Holloween 2024: Herlene nakitang pugot ang ulo ng hindi kilalang tao

Holloween 2024: Herlene nakitang pugot ang ulo ng hindi kilalang tao

Herlene Budol

ANO nga ba ang ibig sabihin kapag may isang taong nakakita sa iyo na walang ulo? Totoo nga bang isa itong masamang pangitain?

Marami nang kuwento tungkol sa kababalaghang ito, at isa nga sa mga nakaranas umano nito ay ang Kapuso actress-beauty queen na si Herlene Budol.

Sa Facebook page ng programang “I Juander” sa GTV, naka-post ang isa sa itatampok na kuwento sa kanilang Halloween special — ito nga ang tungkol sa karanasan ni Herlene kung saan may nakakita raw sa kanya na pugot ang ulo.

Ayon kay Herlene, hindi raw niya kilala ang taong yun, pero sinabihan siya na umuwi na dahil may kakambal na panganib ang naturang pangitain.

Baka Bet Mo: Pasaway na aktres tatanggalin na sa sitcom: Grabe! Sakit lang siya sa ulo!

“May nagsabi sa akin na hindi ko naman kakilala. Tapos tinapik niya lang ako, sabi niya sa akin, ‘umuwi ka na.’

“Sabi ko, ‘hala, bakit naman? Ba’t ako uuwi?’ Tapos sabi niya sa akin, ‘ano kasi nakita kita? Wala kang ulo?’ Sabi niya sa akin, ‘Neng, umuwi ka na, wala ka ulo,'” pag-alala ni Herlene.


“Pagkatapos niya akong sinabihan, umuwi talaga ako. Kasi siyempre hindi ko na naman kilala. Tapos pinauwi ako ng ganu’n. Tapos sasabihin, wala kang ulo!’’ ang nakakakilabot pang pagbabahagi ni Herlene sa “I Juander.”

Matandang kapaniwalaan na ang naturang pangitain kung saan kapag daw may nakakita na walang ulo ang isang tao, ay sinusundo na umano ito ni Kamatayan o kaya’y may mangyayaring masama sa taong yun.

Para raw makontra ito, agad na tapikin ang taong nakitaan na pugot ang ulo o ibaon sa lupa ang mga damit na isinuot nito, o kaya’y sunugin.

Narito naman ang ilan sa mga reaksyon ng mga netizens sa kababalaghang ito.

“Totoo yan. May kakilala ako paalis pero nakita ng kapatid niya na walang ulo. Buti alam nila na pagkaganyan kailangang pabalikin at pagpalitin ng damit. Umalis pa rin naman siya pero lahat ng suot, iba na. Tapos, hindi nagtagal nabalita yung traysikel na sasakyan niya sana, naaksidente.”


“This is true….Byahe ng kapatid ko noon sakay ng motorsiklo ng may makasabay siyang nakamotor din…mabilis ang takbo at parang nag uudyok sknya ng karera sa kalsada pabilisan sila…sinabayan sia ng kuya ko at nag mag overtake sia nakita nia sa side mirror nia walang ulo ang driver ng motor at ayon dahil nauna sia ng may kalayoan maya maya lang naaksidente ung motorista na un.”

“Pag ganyang daw Sabi takpan Ng itim na tela ang ulo para Di mangyari ang masamang pangitain.”

“Aw, skn naranasan koh din yan,pero sa  pic naman, nakita ako sa pic na walang ulo,pa travel sana ako sa ibang lugar nun,di na ako pinayagan umalis kc mahirap na daw. Dhl ganyan panini wala ng mga mtatanda.”

Read more...