Pamilya, kaanak ng BINI members nabiktima rin ng bagyong Kristine

Pamilya, kaanak ng BINI members nabiktikma rin ng bagyong Kristine

BINI

HALOS lahat pala ng pamilya ng super P-pop girl group na BINI ay direktang naapektuhan ng hagupit ng bagyong Kristine nitong mga nagdaang araw.

Talagang nag-alala ang mga miyembro ng grupo sa sitwasyon at kalagayan ng kanilang mga kapamilya at kababayan na nasalanta ng matinding pag-ulan at pagbaha dulot ng typhoon Kristine.

Sa panayam ng ABS-CBN sa BINI pagkatapos ng kanilang special guest performance sa “Magpasikat 2024” sa “It’s Showtime”, nabanggit ng ilang miyembro ang tungkol sa kani-kanilang pamilya na nasa probinsya.

Kuwento ni BINI Gwen, nasa Albay daw ang kanyang family na isa sa mga lugar na dinaanan ng bagyo, “Doon po kami talaga nakatira.

Baka Bet Mo: Bea ipinag-pray mga biktima ng lindol sa Japan: Sana wala ng aftershocks

“Hindi ko po masasabing okay talaga kasi marami na talagang places na binabaha na pero grateful po ako kasi ‘yung family ko okay.

“But sana maging okay na, better, and maging safe po lahat,” sey ni Gwen na nahirapang kontakin ang mga kamag-anak dahil sa power outages sa Bicol.

Kuwento naman ni BINI Mikha na taga-Bicol din, “My sister, mom, and dad are there right now. Kagaya po same situation kay Gwen.


“I heard a lot na sobrang taas na ng baha, but thankfully my family lives in higher areas na hindi umabot po ‘yung baha. But for everyone else who are having a hard time, mag-ingat po,” pahayag pa ng dalaga.

Pagbabahagi naman ni Maloi, na ang pamilya naman ay nasa Lemery, Batangas, “Actually, mga tito at tita ko po from Lemery, Batangas, and hindi na po sila natuloy na manood today.

“Sayang pero okay na din po para maging safe din po sila. Nabalitaan ko po na sobrang lakas po talaga ng bagyo and naapektuhan yung lugar nila, so mas mabuti po mag-stay sila dun and isipin safety nila,” aniya pa.

Taga-Isabela naman daw ang pamilya ni Sheena, “Nakita ko update sa mga friends ko, binabaha sa mga apartments nila pero thankful talaga ako na okay family ko.

“Sa bahay namin, hindi naman baha, pero sobrang lakas lang ng ulan and hangin. Updated naman ako sa family ko,” dugtong ng dalaga.

Patuloy na nananawagan ang BINI sa madlang pipol, kabilang na ang kanilang fanbase na Blooms na tumulong at makiisa sa kanilang donation drive na “BINIyanihan.”

Sabi ng leader ng grupo na si BINI Jhoanna, “Actually, we were planning naman talagang magkaroon ng donation drive for Christmas, pero ngayon nga, hindi natin inaasahan na nagkaroon ng bagyo.

“Mas kailangan nila ‘yung tulong namin ngayon, so nagtulong-tulong po yung Blooms Philippines, ABS-CBN Sagip Kapamilya, and ‘yung mga brands po na ine-endorse po namin para mas madami po ma-collect namin at maibigay sa mga nangangailangan,” aniya pa.

Read more...