Sulat mula kay Vel, ng Barangay Dullan Sur, Oroquieta City
Dear Sir Greenfield,
Sa tuwing kasama ko ang aking boyfriend ay nagpapanggap ako na mahal ko siya. Pero, sa totoo lang, ang iniisip ko ay ang dati kong boyfriend. Unang pag-ibig kasi ang naramdaman ko sa unang lalaki na dumaan sa aking buhay. Umuwi kasi sa probinsya niya ang aking unang boyfriend kaya parang naputol ang aming relasyon, bagaman nangako siya na babalikan ako. Mahigit isang taon na ang dumaan, hindi pa rin bumabalik sa akin ang una kong boyfriend, o nagpaparamdam. Hanggang sa dumating ang ikalawang lalaki si buhay ko. Tinanggap ko siya para makalimutan ko ang una kong boyfriend, pero hindi pala. Babalik pa kaya siya? Nakokonsiya na ako at gusto ko nang makipag-break sa boyfriend ko ngayon dahil hindi naman siya ang tunay na minamahal ko. Tama ba ang gagawin ko?
Umaasa
Vel, ng Barangay Dullan Sur, Oroquieta City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang ang malinaw at matinding Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, kung sino ang minahal mo nang tunay at tapat, naramdaman mo talaga ang presensiya niya sa kasalukuyan at kahit wala na siya ay lagi mo rin siyang na-aalala, sa bandang huli, ang lalaki ngang iyon, na tunay mong minahal, siya na rin mapapangasawa at makakatuluyan mo.
Cartomancy:
Ang barahang Jack of Hearts, Ace of Diamonds at Eight of Hearts ang nagsasabing ngayon ka na makipag-break sa kasalukuyan mong boyfriend upang sa taon ding ito, sa sandaling bumalik ang first love mo, tuluy-tuloy na muling mabuo ang nausyami ninyong masaya at romantikong relasyon.
Itutuloy
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.