Joshua 10 years nang Kapamilya: Salamat, hindi n’yo ako iniwan!

Joshua sa 10 taon bilang Kapamilya: Salamat, hindi n'yo ako iniwan!

Joshua Garcia at Claudine Barretto

ABOT-LANGIT ang pasasalamat ni Joshua Garcia sa mga bossing ng ABS-CBN dahil sa patuloy na pagmamahal at pagtitiwala na ibinibigay sa kanya.

Mananatili pa ring Kapamilya ang award-winning actor matapos mag-renew ng exclusive contract sa kanyang mother network kahapon, October 23.

Dito, sinabi ni Joshua na pang-forever na ang kanyang pagiging Kapamilya at parang second family na talaga ang turing niya sa lahat ng mga kasamahan at katrabaho niya sa ABS-CBN.

Present sa kanyang contract signing sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, ABS-CBN president and CEO Carlo Katigbak, COO of Broadcast Cory Vidanes, ABS-CBN head of TV Production and Star Magic head Lauren Dyogi, at ABS-CBN head of finance Rick Tan.

Baka Bet Mo: JoshLia hindi nagpaalam sa mga dyowa nang gawin ang reunion movie

Biniro naman si Joshua ni Robi Domingo na siyang nagsilbing host sa contract signing event ng mga Kapamilya stars, na pirmahan na raw niya agad ang kontrata at baka magbago pa ang isip ng mga bossing nila sa ABS-CBN.


Mensahe ni Robi sa muli niyang pagpirma ng kontrata, “Sa ABS-CBN, thank you sa sampung taon na pagtitiwala sa akin.

“Hindi niyo ako iniwan, kayo na yung parang naging pangalawang pamilya ko kaya maraming salamat,” pahayag pa ng aktor.

Nagbigay naman ng message ang dating girlfriend at leading lady ni Joshua na si Julia Barretto sa pamamagitan ng video greeting.

“Not once did I ever hear him complain about being tired. It just goes to show how much he loves what he does and how much hard work he will put into his craft because that’s how much he loves it.

“I am so proud to have witnessed your growth as an actor and even as a person,” sey pa ng aktres.

Sabi naman ng box-office director na si Olivia Lamasan kay Joshua, “There was really something about him that my gut-feel was telling me na meron itong star potential.


“Alam niyo po sa career ko po bilang director, isang artista lang talaga yung ni-request kong makatrabaho. Ito ay si Joshua Garcia, he was only a bit player in Barcelona (na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla).

“But I was very happy that tama pa rin ang aking gut-feel because Joshua did not disappoint,” aniya pa.

Maituturing na ring box-office prince si Joshua dahil kumita nang bonggang-bongga ang pelikula nila ni Julia na “Un/Happy For You”. Umabot sa P390 million ang hinamig nito sa takilya  worldwide.

Mapapanood na uli very soon si Joshua sa upcoming Filipino adaptation ng hit South Korean series na “It’s Okay to Not Be Okay” kung saan makakasama niya si Anne Curtis.

Read more...