Neri nagpapaka-best mom at wife: Akala mo may medalyang makukuha

Neri nagpapaka-best mom at wife: Akala mo may medalyang makukuha

Neri Miranda

ADIK na adik ngayon ang aktres at entrepreneur na si Neri Miranda sa pagtatanim at pagha-harvest sa sarili nilang “farm” sa Tagaytay.

In fairness, marami ang naaaliw at nai-inspire sa mga ibinahaging photos at videos ni Neri sa social media tungkol sa gardening at iba pang kapaki-pakinabang na gawain.

Sa isa niyang Instagram post, nag-share ang wais na misis ni Chito Miranda ng video kung saan mapapanood ang pagtatanim niya ng ilang gulay sa kanilang garden.

“Tara, magtanim ulit tayo nang marelax relax tayo. Sa garden kase sobrang tahimik, puro huni ng ibon lang maririnig mo, minsan kahol ng mga aso. Kahit naka pajama ka lang, oks lang, walang magja-judge sayong mga halaman o insekto,” simulang pagbabahagi ni Neri.

Baka Bet Mo: Netizen adik na adik kina Joshua at Gabbi sa ‘Unbreak My Heart’: ‘Meron bang buong story na, yung hanggang ending, bibilin ko kahit magkano!’

May cute pa siyang kuwento nang yayain daw siyang mag-date ni Chito, “Madalas nga mas gusto ko nasa garden lang at nagtatanim kaysa lumabas. ‘Yung asawa ko lang talaga ang nagpu-push na lumabas naman ako paminsan minsan.

“Sabi ko, nasa labas naman ako ah, nasa garden palagi o sa laundry area kapag naglalaba. Sabi nya, ‘yung labas na gala naman para maiba yung makita ko.

“Sabi ko sige, pag-drive nya ako. Nagbihis ako, tuwa naman naman sya tapos tinanong nya kung saan kami pupunta. Sabi ko sa grocery. nyeek daw. Hahaha!


“Lumabas naman ako at nagpostura. Para sa akin, isang malaking park ang grocery stores at palengke, happy ako dun! Pero after naman namin mag-grocery, niyaya ko naman siyang kumain sa resto… natuloy din ang date,” chika pa ng hindi na aktibong aktres.

Pagpapatuloy pa niyang kuwento, “So ayan ang buhay buhay ko ngayon… feeling farmer at nagpapaka best mom at wife sa bahay na akala mo may medalyang makukuha. Pero dito ako masaya. Walang ingay (except kapag magkakasama na ang mga anak namin at nagtatakbuhan tapos samahan pa ng tatay na mas maingay).

“Ang dami ko nang sinabi, nagtanim lang naman ako ng kangkong at pechay. Si Neri, madaldal. Bow.

“Ay wait! Yung niluluto ko palang sinigang, need ko nang patayin ang kalan!”

Bago naging matagumpay na negosyante, marami ring pinagdaanang hirap at sakripisyo si Neri kasama na riyan ang pangongolekta noon ng kaning baboy, “Never ko kinahiya ‘yun. Proud ako na nagawa ko ‘yun. Du’n pala magsisimula ang pagiging entrepreneur ko.

“Hindi ko pa man alam that time, I was 10, pero isa ‘yung experience na ‘yun na masasabi kong one of the best memories nung childhood ko. Aba, ilang kabataan ang makakasabi na nangongolekta sila ng kaning baboy?” aniya pa.

Read more...