Jasmine kay John Lloyd: Na-experience ko ‘yung tunay na pagkatao niya!

Jasmine kay John Lloyd: Na-experience ko 'yung tunay na pagkatao niya!

Jasmine Curtis at John Lloyd Cruz

PURING-PURI ni Jasmine Curtis-Smith ang aktor na si John Lloyd Cruz na nakasama niya sa unang pagkakataon sa pelikulang “Moneyslapper.”

Ang “Moneyslapper” ay special feature sa 12th edition ng QCinema International Film Festival tampok ang 77 pelikula na kinabibilangan ng 22 shorts at 55 full-length features sa iba’t ibang kategorya.

Ito ay mula sa direksyon ni Bor Ocampo, produced ng Paraláya Studio in collaboration with Plan B and Dumpsite Gallery.

Going back to John Lloyd ay nabanggit ni Jasmine na isa si Lloydie sa producer ng “Moneyslapper.”

Baka Bet Mo: Jasmine iniintriga ang lovelife; may inamin tungkol kay Alden

“He’s one of the producers pero hindi ko masyadong naramdaman (bilang producer) maybe he kept it na wala sa set ‘yung ganu’n producer hat niya although mas sila ni direk Bor ‘yung nag-uusap pagdating sa movie.

“At ang natutunan ko rin sa kanya (JLC) if you really want a film like that why not gawin mo (agad). At magpakatotoo ka talaga sa trabaho mo at sa tagal niya sa industriya I think he really knows what he wants how to get out of the industry now at the stage of his career.


“Lahat ng aspeto ng industriya natin meron na siyang sariling spotlight na kung noon ay bihira siyang mapanood sa indie (film) pero ngayon kita mo naman he’s also investing in indie films,” kuwento ni Jasmine.

Isa pang dahilan kung bakit nagpapasalamat din ang aktres ay dahil iisa ang talent agency nila, ang Crown Artist Management, Inc.

“That’s why I’m very thankful to Maja (Salvador-Nuñez) for opening the door na maging parte ng pelikula ni John Lloyd and not just that pati ‘yung nauna kong guesting sa sitcom niya before (Happy Together sa GMA),” dagdag sabi pa ng dalaga.

Malalim na artista si Lloydie na halos lahat ng nakasama niya ay naranasan na at nadiskubreng simpleng tao talaga ang aktor na napo-post sa social media dahil maraming kumukuha sa kanya ng larawan at videos.

Isa si Jasmine sa naka-experience kung gaano kasimpleng tao ang isang John Lloyd Cruz.

“Na-experience ko ‘yung tunay na pagkatao niya, merong isang gabi na going back from the set na we’re able to pass by na malapit lang sa amin (location) na nakita kong kumakain ng pares sa tapat ng 7-11 somewhere na may cart lang na nagdadala (nagbebenta) na parang nainggit naman ako ng ganu’n ang sarap it’s 11 p.m. walang tao, nasa Pampanga kami.


“Tapos walang may kakilala sa kanya, naiinggit ako bumaba ako in my car tapos naglakad lang din kami pabalik ng hotel, so, it’s more of mga ganu’n small movements.

“I guess ini-expect ng mga tao na sosyal siya, magarbo siya being the John Lloyd status niya and ako I’m grateful nan a-experience ko ‘yung ganu’n (jologs) niya, real-self niya,” paglalarawan ni Jasmine sa natuklasan niya sa leading man niya.

Samantala, inamin ng aktres na may love scenes sila ni Lloydie kaya tinanong kung ano ang reaksyon ng boyfriend niyang si Jeff Ortega na itinalagang National Youth Commission chairperson ni Presidente Bongbong Marcos, Jr..

“Wala naman po, kasi pagdating sa mga ganu’n nagi-gets na rin niya na part talaga ‘yun (work) and he knows that I really choose the projects, stories na kapag mnay ganu’n (intimate scenes), we also have screened for ourselves kapag ganu’n,” kaswal na sagot ni Jasmine.

Napag-uusapan na ba nila ni Jeff ang kasal? “Always! Ha-hahaha!” Sabay sabing, “Pero wala pa kaming mga (plano) ganu’n.”

Aminadong natutuwa rin siya sa pamangking si Dahlia na minsan ay may inggit sa anak nina Erwan Heussaff at ate nitong si Anne Curtis.

“Pero minsan naka-catch ko ang sarili ko na okay na pala ako sa aso at pusa at least uuwi na lang ako walang magte-text sa akin ng ‘mommy I need allowance.’ Pero wala pa rin namang ganu’n si Dahlia!” ang masayang tsika pa ng aktres.

Anyway, magsisimula ang QCinema 12 sa Nobyembre 8 hanggang 17 at mapapanood ang mga pelikulang kasama rito sa Gateway Cineplex 18, Ayala Malls Cinema Trinoma, Red Carpet sa Shangri-la Plaza, at Powerplant Mall.

Bukod kina Jasmine at John Lloyd, kasama rin sa “Moneyslapper” sina Charlie Dizon, Mercedes Cabral, Susan Africa, Joel Saracho, Jojit Lorenzo, Mae Paner, Ronnie Lazaro, Malou Crisologo, Adrian Cabido, Timothy Castillo, Gaye Angeles, Apollo Abraham, at direk Lav Diaz mula sa panulat ni Jason Paul Laxamana at Norman Wilwayco.

Read more...