Liam Payne positibo sa iba’t ibang uri ng drugs — toxicology report

Liam Payne positibo sa iba't ibang uri ng drugs — toxicology report

POSITIBO sa iba’t ibang uri ng drugs ang pumanaw na miyembro ng One Direction na si Liam Payne base sa isinagawang preliminary toxicology test at autopsy sa kanyang katawan.

Base sa mga ulat na lumabas, tinatawag na pink cocaine, ang natagpuan sa kanyang katawan.

Para sa mga hindi aware, ang sinasabing pink cocaine na nakita sa katawan ni Liam ay isang powdery mix ng ketamine, methamphetamine, at MDMA (kilala sa tawag na molly o ecstasy).

Bukod rito ay may nakalista ring cracked cocaine at benzodiazepine.

Baka Bet Mo: P40-B assets ni Liam Payne mapupunta lahat sa nag-iisang anak

May nakita ring improvised aluminum pipe para ma-ingest ang mga droga sa kwarto ni Liam.

Nitong October 16 nang magulantang ang lahat matapos kumalat ang balita tungkol sa pagpanaw ng singer.

Ayon sa naunang balita ay tumalon si Liam mula sa balcony sa third floor ng kanyang tinutuluyang hotel sa Argentina.

May mga lumabas ring report kung saan nagsagawa ang hotel staff ng emergency call tungkol sa “aggressive man who could be under the influence of drugs or alcohol.”

Matatandaang bago pa man ang nakalulungkot na balita ay inamin na ni Liam na naging alcoholic siya ngunit nagdaan na siya sa rehabilitasyon at gumagamit rin ng bawal na gamot.

Read more...