MATINDING pambabasag ang inabot ng social media personality na si Rosmar Tan mula sa netizens dahil sa naging hirit niya hinggil sa bagyong Kristine.
Umani ng sandamakmak na reaksyon ang kanyang Facebook post na ngayo’y deleted na patungkol sa mga kababayan nating nasalanta sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ang pahayag ni Rosmar, “Ang hirap isipin na habang kami (nakahiga) sa malambot na kama, kagigising lang at (naka-aircon), ang daming bata, matanda na ‘di na alam paano ililigtas sarili sa Bicol dahil sa baha at bagyo.”
Kasunod nga nito, kaliwa’t kanang batikos ang ibinabato ngayon sa content creator ng mga netizens at nagsabing parang wala raw sense at wala sa katwiran ang kanyang post.
Baka Bet Mo: Zeinab Harake, Rabiya Mateo ‘tinawanan’ si Rosmar Tan: ‘Tinatanggalan n’yo na ba talaga kami ng karapatan matawa?’
Sa official Facebook page ng BANDERA, marami ang na-bad trip sa naging pahayag ni Rosmar at halos lahat ay nagsasabing napaka-insensitive nito sa gitna ng dinaranas ng mga kababayan natin sa mga hinagupit ni Kristine.
“Dapat ito ang nalulubog sa baha galing dn mag isip…so insensitive.”
“Nagyayabang lng Yan ,I social media nya pa ang sarap ng buhay nya . Kung tutulong k din lng, d kna lumayo gawin mo n lng, marami dyan sa slum area ng Manila.Dagdag points yan kung gusto mo manalo at maglingkod sa mga kpitbahay mo.”
“Need pa talagang banggitin o ipagmayabang yung paghiga nya sa malambot na kama habang naka aircon,dapat tumulong ka na lang walang ganyan pang mga sinasabi,mas lalo lang nararamdaman ng mga tao Yung kahirapan nila.”
“Hindi kana mahihirapang mag isip kung magising kang nalulunod kana sa iyong kayamanan.mag ayuda din kunwari. pagkakataon na mag pa picture sa bubong ng mga binabahang kabahayan.”
“Iboto n’yo para maging doble ang lambot ng kama nya,habang ang bumoto sa kanya hirap makaahon sa kahirapan sa pananalanta ng bagyo,pag ito nanalo lalo lang pinayaman ng mga taong naghihirap..mag isip mga botante.”
“Oh edi tumulong ka.paranasin mo din sila ng malambot na higaan at masasarap na pagkain..ayudahan mo sila.”
“Salut dika mananalo. tatakbo hugas hugas pra manalo if manalo ka epal mo.”
“Oo na mayaman ka, dapat tumulong para ebless kapa ni Lord, madaming nilalamig na Bata at matatanda sa ulan at baha.. tumulong ka..wag Ng andami pang sat².”
“Dapat kung nakikisimpatiya ka ay Hindi kailangan banggitin pa kung Anong meryn sayo, alam Naman ng LAHAT Ang stado mo sa Buhay.”
Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag ni Rosmar hinggil sa isyung ito.