Ate Vi, Aga, Nadine ‘bardagulan’ sa MMFF 2024 entry na ‘Uninvited’

Ate Vi, Aga, Nadine 'bardagulan' sa MMFF 2024 entry na 'Uninvited'

Vilma Santos, Aga Muhlach at Nadine Lustre

SIGURADONG mas matindi ang magiging bakbakan ng 10 pelikulang napili para sa makasaysayang 50th edition ng Metro Manila Film Festival sa darating na December.

Bukod sa naglalakihang artista na kasali sa mga official entry sa MMFF 2024, talaga namang pambato rin ng mga pelikukang kalahok ang kanilang kuwento at bonggang produksyon.

Isa na nga riyan ang sinasabing most highly-anticipated film of the year na pinagbibidahan nina Vilma Santos, Aga Muhlach at Nadine Lustre, ang “Uninvited.”

Kahapon, sa naganap na announcement ng MMFF organizers para sa lima pang kalakok sa taunang filmfest, nakasama nga ang “Uninvited” mula sa Mentorque Productions (producer ng Mallari) at Project 8 Projects at sa direksyon ni Dan Villegas at sa panulat ni Dado Dayao.

Baka Bet Mo: Warner Bros, Mentorque sanib-pwersa sa ‘Mallari’ ni Piolo; mananakot tulad ng ‘The Nun’, ‘Valak’

Isa itong suspense-drama-thriller na siguradong tatatak na naman sa Pinoy audience dahil sa kakaiba at nakakalokang tema at kuwento nito.

Sa first official teaser pa lang na inilabas ng Mentorque at Project 8 Projects, talaga namang matetensiyon at mapapaisip ka na kung ano ba talaga ang role nina Ate Vi, Aga at Nadine na gaganap bilang Lilia/Eva, Guilly and Nicole, respectively.


Pero sa napanood nga naming trailer mukhang matinding bardagulan talaga sa aktingan ang mangyayari sa pelikula.

Kaya ngayon pa lang ay marami na ang nagsasabi na hindi imposibleng humakot ng award ang bagong obra ng Mentorque na siya ring nasa likod ng award-winning at blockbuster MMFF 2023 entry na “Mallari.”

Bukod sa tatlong superstar ng iba’t ibang henerasyon, kasama rin sa cast sina Tirso Cruz III, Mylene Dizon, Elijah Canlas, Gabby Padilla, RK Bagatsing, Lotlot De Leon, Ketchup Eusebio, Cholo Barretto, Gio Alvarez, at Ron Angeles.

Paglalarawan ng mga producer ng “Uninvited” — “chilling, mysterious, and full of tension. Viewers are transported to an opulent mansion where a billionaire’s lavish birthday celebration spirals into a night of socialite intrigues, buried secrets, and shocking revelations.”

In fairness, sure na sure kami na talagang panlaban ang “Uninvited” sa MMFF 2024 dahil din sa pagsasanib-pwersa ng Mentorque producer na Bryan Diamante, director-producers Antoinette Jadaone and Dan Villegas.

Sina Reign De Guzman, Omar Sortijas, at Catsi Catalan naman ang supervising producers, habang ang blockbuster director namana na si Irene Villamor ang creative producer.

Keep an eye out for more exciting revelations and surprises as the film’s release on December 25 approaches—perfect for a big-screen experience the whole family can enjoy this holiday season!

Read more...