Marco, Cristine kumu-couple goals, nagtapos ng leadership course sa UP

Marco, Cristine kumu-couple goals, nagtapos ng leadership course sa UP

LAKAS maka-couple goals ng latest ganap ng magdyowang sina Marco Gumabao at Cristine Reyes matapos silang sabay na sumailalim sa kursong public service and leadership sa University of the Philippines (UP).

Sa latest Instagram post ng aktor ay ibinandera niya ang larawan nila ni Christine habang hawak ang kanilang certificate.

“Successfully finished my Public Service Administration certificate course from The University of the Philippines – National College of Public Administration and Governance and Center for Policy and Executive Development,” masayang balita ni Marco.

Kasunod nito ay ang pasasalamat niya sa lahat ng kanilang professors na nagturo sa kaniya.

“Thank you to all my professors, will definitely keep in my heart everything I’ve learned,” pagpapatuloy ni Marco.

Samantala, nag-post rin ang dyowa nitong si Cristine hinggil sa naging karanasan nito habang nag-aaral ng Public Service Motivation and Leadership Training.

Baka Bet Mo: Marco Gumabao napapadalas sa CamSur, tatakbong kongresista sa 2025

“Studying how to productively channel the calling to serve is a learning experience to live by because I want to be not just by his side but also to be a helping hand to serve District 4 of Camarines Sur with the intention of doing it right,” sey ni Cristine.

Pagpapatuloy pa ng dyowa ni Marco, “The course gave us an opportunity to zone out the noise. It was an eye-opener to learn the dynamics of economics, development, and policy-making.”

Nabanggit rin ni Cristine na isa sa mga worthwhile experiences niya ay ang matuto mula sa mga propesor sa UP.

Matatandaang noong nagdaang October 1 ay isa si Marco sa mga naghain ng kanyang Ceritificate of Candidacy para tumakbo bilang kongresista.

May isang netizen naman ang nag-usisa hinggil sa kanyang kredibilidad para maging public servant.

Samantala, sinagot naman ni Marco ang tanong ng netizen at inaming nauunawaan niya ito at ang layunin niya ay wakasan ang stigma sa mga artistang pumapasok sa politika na walang naidudulot na maganda sa bayan.

Read more...