Cristine Reyes may IG na uli, ibinandera kung gaano ka-love si Marco
NAKAHINGA na nang maluwag ang abangers sa relationship status sa pagitan ng celebrity couple na sina Cristine Reyes at Marco Gumabao.
Ito ay matapos bumalik ang Instagram account ni Cristine at ibinandera ang ilang sweet photos nila ng boyfriend.
Proud ding ibinida ng sexy actress ang birthday concert ni Marco na ginanap sa Camarines Sur nitong Linggo, August 18.
Pagbati ng celebrity mom sa aktor, “Wishing you all the best on your special birthday concert, my Love [red heart emojis].”
Baka Bet Mo: Marco tanggap ang pagiging single mom ni Cristine: ‘She’s very wife material, sobrang bait at walang arte’
View this post on Instagram
Sa comment section, maraming fans at netizens ang nagdiwang hindi lang dahil birthday ni Marco, kundi dahil hindi totoong hiwalay na ang dalawa.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“Sila pa naman ah. Mga jijiera talaga ibang netizens. Keep the fire burning love birds! [red heart emojis].”
“Hay thank you, nasagot na rin ang mga tanong namin [smiling face, red heart emojis].”
“Tagal ko nag abang huhu kinabahan ako [laughing emoji].”
“Walang hiwalayan huh!!! Umayos kayo!”
“Buti na lang naisipan ng magpost ako’y stressed eh . Love you both [red heart emojis].”
Magugunitang last week lamang nang magsimula ang chikang nag-break na sina Cristine at Marco matapos mag-post ang aktor sa kanyang IG tungkol sa 30th birthday niya at sa paparating na selebrasyon kung saan wala ang aktres.
Mas lalo pang umugong ang usap-usapan sa dalawa nang mabalitaang nag-deactivate ng IG account si Cristine.
Pero ito ay agad na pinabulaanan ng celebrity mom at ibinahagi sa Facebook My Day ang larawan nila ng kanyang dyowa, kalakip ang birthday message: “Mahal ko yan. 30 na yan siya.”
Kasunod nito ay ang larawan ni Cristine kasama ang ama na nakahiga sa hospital bed na kaarawan din ‘nung araw na iyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.