HOROSCOPE November 13, 2013 | Bandera

HOROSCOPE November 13, 2013

Madam Sophia - November 13, 2013 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Wag maniwala sa sinasabi ng iba! Sa mga bagay na pagkakaperahan, ikaw ang dapat mangasiwa dahil kapag hindi ikaw, baka maloko ka na naman! Sa pag-ibig, tuloy ang masayang pakikipag-ulayaw sa isang Cancer.  Mapalad ang 4, 16, 26, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Raga-Kashta-Om.” Gold at green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Sinasabing ang mga Aries ay likas na mayabang kaya lagi silang may nakakaaway. Iwasan mo ang pagyayabang at bawasan ang pride. Magpakumbaba kang lagi. Kapag nagawa mo ‘yan, lalo kang sasagana at magiging maligaya. Mapalad ang 3, 9, 13, 25, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Credo-Ut-Intelligam-Om.”  Pink  at white ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—  Masustansyang pagkain at makulay na kapaligiran ang magbibigay ng suwerte. Ang mga bagay na ‘yan ang magpapalakas ng libido at enerhiya upang mas madaling masagap ang magandang kapalaran. Mapalad ang 3, 6, 26, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Gayatri-Deve-Om.” Red at violet ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—  Sipag at talino ang sikreto ng ligaya. Ibuhos ang lahat ng lakas upang kumita ng maraming-maraming pera. Sa pag-ibig, kung inuunawa mong lagi ang sitwasyon mas magiging payapa ang isipan, mas mapapamahal sa iyong lalo ang isang Libra. Mapalad ang 5, 8, 18, 27, 37, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Bis vivit qui bene vivit.” Gray at pink ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Maiibsan ang problema dahil sa isang kasama na tatangap ng malaking halaga maaangihan ka niya.  Sa pag-ibig, sabihin sa kasuyong; “Magtipid-tipid ka naman upang umunlad ang ating buhay!”  Mapalad ang 1, 19, 28, 33, 37 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Nahmeh-Aum.” Orange at black ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Huwag mong intindihin ang mga naninira at umiintriga sa iyo. Ang mas mahalaga ay ituloy mo lang ang iyong ginagawa dahil unti-unti ka nang umuunlad. Sa pag-ibig, pagpasensyahan ang pagiging makulit ng kasuyong Aries. Mapalad ang 3, 18, 22, 32, 35 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sol-Dasa-Om.” Gold at blue ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Wag munang bilangin ang itlog hanggang hindi napipisa. Kumilos ka lang nang kumilos, imbes na magkuwenta agad ng kita. Sa pag-ibig, hindi dapat hanapan ang kasuyo dahil ikaw din naman ay maraming pagkukulang sa kanya. Mapalad ang 8, 17, 26, 35, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Krisna-Rama-Rama!” Purple at yellow ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Huwag makipaglandian sa iba, may babala ng pagtataksil. Manatiling tapat sa kasuyong Aquarius. Sa panansiyal, dagdag-gastos lang ang pagpasok sa isang relasyong bawal. Mapalad ang 6, 9, 27, 36, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Om-Haribol-Aum.” Pink at purple ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Unti-unti mo nang natatanggap ang mapait na nakaraan! Magpakalango sa tagumpay, i-blow-out ang sarili. Sa pag-ibig, wag mo nang intindihin ang mga taong hindi naman sa iyo nagmamahal. Mapalad ang 4, 15, 22, 35, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Soda-Om.” Red at orange ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Ituloy ang binabalak na paglalakbay. Sa malayong pook mas madaling aangat ang kabuhayan. Sa pag-ibig, higit na masarap ang romansa sa kasuyong Virgo kung pansamantalang maglalayo muna kayo ng landas. Mapalad ang 2, 10, 29, 34, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Adonai-Om-Elohim.” Lilac at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—  Dasal at pagtulong sa kapwa ang susi upang lumigaya. Naranasan mo na bang hindi kumain ng isang araw? Ngayong panahon ng kalamidad, magsakripsiyo at mag-donate ka sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda. Kapag nagawa mo ‘yan, mas madali kang uunlad at liligaya. Mapalad ang 2, 8, 23, 34, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Per-Aspeta-Om.” Green at brown ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— May malaking halaga ng salapi na darating. Wag ipagmayabang ang hawak na pera upang hindi ka mautangan. Itabi ang hawak na pera upang ngayon palang mapaghandaan mo na ang kapaskuhan. Sa pag-ibig, tuloy ang pakikipag-relasyon sa isang Leo. Mapalad ang 5, 9, 23, 35, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shari-Dosya-Om” Blue at red ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Paikot-ikot lang ang kapalaran. Kung namumroblema sa pera, masosulusyonan din ‘yan sa susunod na mga araw. Sa pag-ibig, panatiliin ang pakikipag-relasyon sa maperang Sagittarius. Mapalad ang 6, 17, 27, 36, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kubera-Aum-Regama.” Red at lilac ang bueans.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending