Kathryn, Alden maraming pinatunayan kay Direk Cathy habang nasa Canada
NGAYON pa lang ay excited na ang mga fans nina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa magaganap na midnight screenings ng reunion movie nilang “Hello, Love, Again.”
Yes, mga ka-BANDERA! Iyan ang bonggang paandar ng ABS-CBN Studios, Star Cinema at GMA Pictures na nagsanib-pwersa nga para sa inaabangang part 2 ng makasaysayang “Hello, Love, Goodbye” noong 2019.
In fairness, marami kaming nakausap na nagsabing game na game silang manood nang 12 midnight sa first day ng “HLA” Para mapanood agad ang pagpapatuloy ng love story nina Joy at Ethan.
Baka Bet Mo: Kathryn, Alden bibida sa ‘Hello, Love, Again’ ng Star Cinema, GMA Pictures
Ayon kina Alden at Kathryn, mapapanood ang midnight screening ng kanilang movie sa November 13 in more than 70 cinemas theaters. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na mangyayari ito sa history ng Philippine cinema.
Samantala, kuwento naman ni Alden maraming magiging pagbabago sa buhay ng karakter niyang si Ethan bilang isang OFW na nagsimulang magtrabaho sa Hong Kong hanggang sa mapadpad sa Canada.
View this post on Instagram
Sabi ni Alden, nakasentro pa rin ang kuwento ng “HLA” sa pagsasakripisyo at pagpupunyagi ng mga OFW na patuloy na nakikipagsapalaran sa ibang bansa para sa mga mahal nila sa buhay.
“May ganu’n talagang traits kasi tayo as Filipinos, eh. We always get out of our way and kalimutan muna kahit hindi man panandalian or pangmatagalan yung sarili natin para sa ating mga mahal sa buhay,” pahayag ng Kapuso superstar sa naganap na presscon ng kanilang pelikula kamakailan.
Sey pa ng binata, “Ang tanong ba doon ‘Is it worth it? Is it worth the sacrifice?’”
“I think one of the reasons why is talagalang malaki yung mga epekto ng mga bagay na nangyayari sa atin, sa paligid natin and yung judgement natin is nagbabago based on the circumstances around us,” sey pa ni Alden about Ethan.
Para naman kay Kathryn, mas challenging at mas mabibigat ang mga eksena nila ni Alden sa movie at dito sa “HLA” mas bumilib at mas na-appreciate pa niya ang ating mga OFW matapos mag-shooting sa Canada nang isang buwan.
“It’s very real. It’s physically tiring, it’s emotionally challenging, na kami nga na isang buwan doon medyo naisip ko na, ‘Woah! Medyo mahirap ‘to.’ Ano pa sila (OFW) na ilang years nang nandoon?’” ani Kath.
View this post on Instagram
“It’s very familiar once you watch it. The character of Joy, it’s still there,” pahayag ng dalaga na magiging Marie na nga sa part 2.
“Definitely marami siyang kailangan lunukin para kalimutan yung Joy na nakita ng mga tao,” dugtong ni Kathryn.
Samantala, sinabi naman ng direktor ng pelikula na si Cathy Garcia-Sampana na isang different side ng KathDen ang mapapanood ng madlang pipol. Napakalaki raw ng nakita niyang pagbabago sa mga bida ng kanyang bagong obra.
“It was very evident, it was so clear beyond the friendship that I saw offscreen kasi parang given na siya.
“May tiwala sila sa isa’t isa. I admire both of them that they support each other so much na kahit nakatalikod, inuubos yung luha,” sey pa ng blockbuster director.
Pahabol pa niya, “Lagi ko yung dream eh, sana paglabas n’yo ng sinehan, gusto niyo magmahal ulit. At umuwi sa home n’yo.”
Kasama rin sa movie sina Joross Gamboa, Jennica Garcia, Valerie Concepcion, Jeffrey Tam, Kakai Bautista at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.