Jodi sa muling pagpapakasal: If it happens, mangyayari hindi mo ipipilit

Jodi sa muling pagpapakasal: If it happens, mangyayari hindi mo ipipilit

Jodi Sta. Maria

HINDI pipilitin ng award-winning actress na si Jodi Sta. Maria ang magpakasal uli kahit na napawalang-bisa na ang kasal nila ni Pampi Lacson.

Natanong ang lead star ng Kapamilya primetime series na “Lavender Fields” kung handa na ba siyang mag-asawa uli ngayong resolved na ang kanyang annulment case.

In fairness, umabot ng 13 years bago naaprubahan ng korte ang annulment nila ng dating asawang si Pampi kaya naman feel na feel na ngayon ni Jodi ang tinatawag na “freedom.”

“Napaka-fresh pa nu’ng annulment. It is something that has never crossed my mind (magpakasal uli). Pero isa lang ang alam ko, I have never lost faith in love.

Baka Bet Mo: Jennica hindi na babalikan si Alwyn: ‘Yung second chance nabigay ko na po yun, dumating na sa point na wala na talaga akong kayang ibigay’

“If one day it happens, it happens. There are some things na hindi mo pinipilit. You pray about it, if it happens, it happens,” pahayag ni Jodi sa panayam ng ABS-CBN.

Natawa lang ang aktres nang tanungin kung ano ang magiging reaksyon niya sakaling lumuhod bigla sa harapan niya ang isang lalaking handa siyang pakasalan sa kahit saang simbahan.


“Alam mo ‘yang annulment na ‘yan, matagal ko ‘yang hindi na iniisip. I’ve been praying about it for 13 years nga di ba?

“But there was a point in my life na I felt so tired, na parang ang dami kong kailangan gawin.

“But when I finally surrendered it to the Lord, ‘Sige God, parang Thy will be done!’ Alam mo after nu’n, parang lahat ng weight has been lifted.

“And all I did was, I just had to wait kung kelan Niya ibibigay, and then it happened,” pahayag pa ni Jodi.

“Kung may lightness ba sa trabaho kasi tapos na ‘yung annulment, yes kahit papaano. May mga bagay ka na na hindi mo na iniisip.

“Pero matagal nang magaan ‘yung trabaho for me, ‘coz I’ve always seen this work as a blessing from the Lord,” sey ni Jodi na napakagaling naman talaga sa “Lavender Fields.”

Read more...