Nais maging PhilHealth member | Bandera

Nais maging PhilHealth member

Lisa Soriano - November 13, 2013 - 03:00 AM

Dear Akyon Line

Ako po si Ivan Guzman na nakatira rito sa Muzon, San Jose Del Monte. May apat po akong anak. Ang asawa ko ay isa lamang housewife at ako naman po ay may maliit na tindahan na nagbebenta ng mga accessories ng cellphone. Dahil po sa in na in ngayon ang mga gadgets kaya medyo maayos naman po ang bentahan namin.

Kaya po naisipan ko na sumulat sa Aksyon Line ng Inquirer Bandera dahil lagi ko pong nababasa na marami kayong natutulungan.

Gusto ko po sanang itanong kung pwede po akong mag-voluntary contributions sa PhilHealth at ano po ang proseso dito?

Bagaman ayaw man natin na magkasakit ang sinuman sa miyembro ng
ating pamilya subalit mas mainam na po ang may magiging katuwang tayo sakaling sinuman sa atin ang magkasakit.

Sana po ay matulu-ngan ninyo ako sa aking katanungan at isa pong kasiyahan para sa madaliang aksyon ng PhilHealth sa pamamagitan ng Aksyon Line.

Lubos na
gumagalang,
Ivan

REPLY: G. Guzman:

Pagbati mula sa Team PhilHealth!

Maraming salamat po sa inyong interes sa National Health Insurance Program.

Nais po naming ipabatid sa inyo na maaari po kayong magparehistro sa PhilHealth sa ilalim ng Informal Economy bilang Self-Earning Individuals.

Upang magparehistro, bumisita sa pinakamalapit na tanggapan ng PhilHealth at isumite ang tama at maayos na napunan na PhilHealth Membership Registration Form (PMRF). (Makakuha kayo ng form sa aming tanggapan)

Ang premium contribution po ng Informal Economy ay ang mga sumusunod:
Para sa kumikita ng higit P25,000 kada buwan:
Kada Taon: P3,600.00
Kada Semestral: P1,800.00
Kada Kwarter: P900.00
Para sa kumikita ng P25,000 at pababa kada buwan:
Kada Taon: P1,800.00
Kada Semestral: P900.00
Kada Kwarter: P450.00
Narito po ang malapit na tanggapan ng PhilHealth sa inyong lugar.
NCR Central Branch
Estuar Bldg. 880 Quezon Ave, Quezon City
PhilHealth Express
Robinsons Novaliches Market

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang tanggapan po ng PhilHealth ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon. Samantala, ang PhilHealth Express naman po ay bukas Lunes hanggang Biyernes mula ika-10 ng umaga hanggang ika-7 ng gabi.
Maraming
Salamat po.
CORPORATE
ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center:
441-7442
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa [email protected] or [email protected] Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending