Mag-inang Andi at Ellie inalala ang birthday ni Jaclyn: ‘I feel you always…’

Mag-inang Andi at Ellie inalala ang birthday ni Jaclyn: ‘I feel you always…’

PHOTO: Instagram/@andieigengirl

NAPA-THROWBACK ang celebrity mom na si Andi Eigenmann kasabay ng 61st birthday ng yumaong legendary actress na si Jaclyn Jose.

Sa pamamagitan ng Instagram, makikita ang pag-alala niya sa yumaong ina na kung saan ay nag-post siya ng lumang picture nila.

Ang tanging caption lang diyan ng dating actress at Siargao-based vlogger ay isang white dove emoji.

Pero bago ‘yan, ibinandera ni Andi sa Instagram Stories na binisita niya ang puntod ni Jaclyn at kasama pa niya riyan ang anak na si Ellie Ejercito.

Baka Bet Mo: Gabby nasaksihan ang sakit ng iyak ni Ellie nang pumanaw si Jaclyn

“I feel you always through family,” sey ng celebrity mom sa isang post.

PHOTO: Instagram Stories/@andieigenngirl

 Kung maaalala, noong Marso lamang nang tuluyan nang sumakabilang-buhay si Jaclyn sa edad na 60.

Una itong kinumpirma ng kanyang talent management na PPL Entertainment noong March 3. 

Kinabukasan naman ay opisyal na ipinaalam sa publiko ni Andi na myocardial infarction o heart attack ang sanhi ng pagpanaw ng batikang aktres.

 Ilan sa mga nagawang pelikula ni Jaclyn ay ang “Private Show” (1985), “White Slavery” (1985), “Itanong Mo Sa Buwan” (1988), “Machete II” (1994), “Sarong Banggi” (2005), at “Ma’ Rosa” (2016).

Sa telebisyon lumabas siya sa “The Legal Wife” (2014), “Maalaala Mo Kaya,” at “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Read more...