AALIS na ng Pilipinas ang ating pambato ngayong taon sa Miss Universe pageant na si Chelsea Manalo.
Sa isang exclusive interview ng GMA News Online, ibinunyag niya na ang kanyang flight ay ngayong araw, October 21.
Lilipad daw muna siya papunta sa Los Angeles, California bago magtungo sa host country ng kompetisyon –ang Mexico.
“I wish nothing else but prayers for safe travels and to make it to the finals,” sey niya.
Dagdag pa ng beauty queen, “You have no idea na — yes, it’s my dream. Pero before it was my dream, it was a dream of my mom and my dad. Now, carrying the Philippine sash with me to Mexico, I’m carrying the dream of all Filipinos.”
Baka Bet Mo: Chelsea Manalo may pasabog na ‘surprise’ sa Miss Universe 2024
Mensahe pa niya sa madlang pipol, “Maraming maraming salamat kasi you made it happen for me to be there in Mexico, so sana tulungan niyo ako to get that crown.”
“Sana hanggang sa maiuwi ko ang crown here, hindi tayo mawalan pa rin ng pag-asa,” wika pa niya at humiling na muli siyang ipagdasal at tulungang makarating sa finals ng international pageant sa pamamagitan ng pagboto, lalo na sa kanyang “Voice for Change” entry.
Pangako pa niya, “Trust me na I will do my best.”
Si Chelsea ay susubukang iuwi ang ika-limang korona ng Pilipinas sa Miss Universe na gaganapin sa November 16.
Ang Preliminary and National Costume competitions naman ay gaganapin sa November 14.
Kung matatandaan, noong Mayo lamang nang makuha ni Chelsea ang titulong Miss Universe Philippines 2024.
Gumawa siya ng kasaysayan bilang kauna-unahang Filipino-Black American candidate na nagwagi ng national title.