MUKHANG may bahid nga ng katotohanan ang balitang balak uling magpakasal ng Queen of All Media na si Kris Aquino.
Sa latest Instagram post ng TV host-actress at tila nagpahiwatig nga ito sa mangyayaring kasalan sa pagitan nila ng kanyang karelasyon ngayon na si Dr. Michael Padlan.
Nagbigay ng update si Kris tungkol sa kanyang health condition ngayon kung saan kinumpirma niyang cancer free na siya ngunit nananatili pa rin until now ang kanyang autoimmune diseases.
Sa last part ng kanyang mahabang IG post ay nabanggit nga ni Kris ang magaganap na “small wedding” pero ibalato na lang daw muna sa kanya ang tungkol dito.
“Apologies, but until my groom and I exchange vows, in that very small wedding (but surely not held outdoors) I’m choosing to keep my relationship private.
Baka Bet Mo: Hubo’t hubad na litrato raw ni Inigo na kumakalat ngayon sa socmed peke; may konek rin kaya sa politika?
“Ibalato n’yo na sa kin yun. Invited naman kayong lahat if and when sa kasal,” ang pahayag at pakiusap ni Kris sa kanyang mga supporters at social media followers.
Sa unang bahagi nga ng kanyang post ay naikuwento ni Kris na sumailalim siya sa napakaraming medical test kabilang na ang PET (Positron emission tomography) scan.
“Clear intestines. No visible sign of cancer,” aniya.
Ngunit ang ikinakatakot ni Kris ay ang tatlong autoimmune condition niya na “life-threatening” – ang Churg Strauss na ang tawag ngayon ay EGPA, Systemic Sclerosis or SCLERODERMA at ang LUPUS o Systemic Lupus Erythematosus (SLE).
“I now have 5, possibly 6 autoimmune conditions. But the scary part is that 3 of the diagnosed ones are life threatening in other words- pwedeng ma-damage my vital organs or my blood vessels, specifically my artery connecting my lungs to my heart- to the extent na I can die immediately from a stroke or aneurysm or cardiac arrest.
“I am now suffering from a Lupus Arthritis flare. Deep bone pain. Hirap ako to walk without assistance. I’ll start my physical rehabilitation therapy in a few days. But I need to do so with a walker.
“My immunity is zero. Ang ubo for me can easily be pneumonia and ICU confinement. Strict rule, no direct even indirect sun exposure or my lupus flares will be triggered as well as my Scleroderma,” pagbabahagi ni Kris.
Pero ipinangako ng aktres na hindi siya susuko sa kanyang laban.
Nabanggit din niya ang kanyang pagbabalik sa ABS-CBN with a new show na ipalalabas bago matapos ang 2024.
“Para hindi kayo magsawang magdasal Sabi nyo, you miss watching me. I want to thank my former ABS-CBN bosses for allowing Jasmin and Darla to work with me on a show which will launch before 2024 ends,” aniya.
“Secret muna ‘yung concept, but you will get to see my pres’nt day journey and as much as possible the reality of Kris, Bimb, and my ‘through the years” best friends (my extended family) and definitely my team of doctors who are now among my most trusted friends,” dugtong ni Kris.