Hubo't hubad na litrato raw ni Inigo na kumakalat ngayon sa socmed peke; may konek rin kaya sa politika? | Bandera

Hubo’t hubad na litrato raw ni Inigo na kumakalat ngayon sa socmed peke; may konek rin kaya sa politika?

Ervin Santiago |April 14,2022
facebook
share this

Hubo’t hubad na litrato raw ni Inigo na kumakalat ngayon sa socmed peke; may konek rin kaya sa politika?

Ervin Santiago - April 14, 2022 - 02:41 PM

Inigo Pascual

MAY bahid politika rin kaya ang pagkalat sa social media ng dalawang litrato ng lalaking sinasabing kamukha ng isang male celebrity kung saan kitang-kita ang private part nito?

Kahapon, April 13 (Miyerkules Santo), pinagpiyestahan sa Twitter ang nasabing photo at marami ang nagkomento na baka raw ang Kapamilya singer-actor na si Inigo Pascual ang nasa post.

Putol ang ulo (walang mukha) ng lalaking nasa picture pero ayon sa mga netizens pareho raw ang tattoo nito sa ibabang bahagi ng dibdib sa tattoo ng anak ni Piolo Pascual.

Mabilis na naging trending topic sa Twitter ang “leaked photos” umano ng young singer-actor at ang mismong pangalan ng binata kasabay ng pagkondena ng kanyang fans sa mga nagse-share at nagpo-post nito sa kani-kanilang socmed accounts.

“It’s a leaked photo right? and i think it’s really inappropriate to spread that. i’m not in the position to say this, but just a reminder that inigo pascual also deserves espect just like any other human being. sexualizing him or spreading that picture is too disrespectful,” ang pakiusap ng isang Twitter user na ni-repost naman ng ilang netizens.

Ang tanong ng karamihan sa mga tagasuporta ni Inigo, may koneksyon nga kaya ang “leaked” photos ng binata sa paglantad ng tatay niyang si Piolo Pascual bilang certified Kakampink?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Inigo Dôminic Pascual 💎 (@inigopascual)


Nitong nagdaang Lunes Santo, ibinandera nga ni Piolo ang pagsuporta kay Leni Robredo sa pamamagitan ng isang video na ipinost niya sa Instagram.

“Ang kampanyang ito ay hindi na tungkol sa iisang pamilya o kandidato, kundi para sa Pilipinas na gusto nilang ipamana sa ating lahat.

“Ang totoong pagkaisa ay inspirasyon at panawagan na tayong lahat ay gumawa ng kabutihan.

“Sure ako, totoo at malalim ang unity ng mga Pilipino kung tapat, mahusay, at mabuti ang namumuno. Hindi ito yung pagkakaisa ng political dynasty para sa sarili nilang interes.

“Ang totoong unity ay pagkakaisa ng taong bayan—Pilipino para sa kapwa Pilipino,” pahayag ng aktor.

Sabi naman ng ilang netizens, mukhang wala namang koneksyon sa politika ang pagkalat ng nasabing “leaked” photos at marami rin ang nagsasabi na mukhang hindi nga si Inigo ang nasa litrato dahil magkaiba naman daw ang tattoo ng lalaking nakabuyangyang ang ari sa tattoo ng aktor sa dibdib.

Abangan na lang natin kung ano ang magiging aksyon ng kampo ng aktor sa isyung ito — magsampa kaya sila ng kaso laban sa nagpakalat ng litrato o dedma na lang?

Marami namang supporters ni Iñigo na nakiusap na huwag na sanang ikalat pa ang malisyosong litratong yun. Pero mabuting tanggalin na lang ang comment section para hindi na mapaglaruan ng iba.

Kasabay nga nito, kumalat din ang video scandal ng isang babae nitong nagdaang Lunes na malaki raw ang pagkakahawig kay Aika Robredo, ang 34-anyos na anak ni Vice President Leni.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Agad namang pinabulaanan ng bise-presidente na ang anak niya ang nasa video,  “Best antidote to fake news is the TRUTH. Let us not lose focus. Tuloy tuloy lang ang paggawa ng kabutihan. This was how I survived the last 6 years.”

Inigo natupad na ang pangarap na magkaroon ng farm, bumili pa ng mga kabayo, baboy at baka

Birthday wish ni Inigo tinupad agad ng Hollywood actress; nag-celebrate sa set ng ‘Monarch’

Tom ‘bad trip’ sa pagkalat ng video habang ginagawa ang engagement ring ni Carla

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending