MASAYA at makabuluhan ang ika-37th birthday ng award-winning actress na si Bea Alonzo.
Sa isang Instagram post, makikitang bumisita si Bea sa Tahanang Walang Hagdan, isang rehabilitation and skills training center para sa mga persons with disability (PWD), upang doon ipagdiwang ang kanyang special day.
Makikita sa IG Reels na nakisaya rin sa selebrasyon ang ilang celebrity friends ng aktres na sina Kakai Bautista, Timmy Cruz, at Jeric Gonzales.
Bukod sa nakipagkulitan sila sa mga PWD, sila rin ay nagkaroon ng mga palaro at performances.
Namigay rin sila roon ng mga pagkain, groceries, appliances at iba pang regalo.
Baka Bet Mo: Bea Alonzo talo sa cyber libel case na isinampa laban sa kasambahay
“Spreading joy where it matters most. An early birthday celebration at Tahanang Walang Hagdan, a day filled with laughter, love, and unforgettable moments,” caption ni Bea.
Kwento niya pa, “As you know, my mom’s condition has opened my eyes to the challenges faced by persons with disabilities. It’s a cause that resonates with me deeply.”
“Celebrating my birthday at Tahanang Walang Hagdan didn’t just make my day special; it felt like we were able to share a slice of happiness with an incredible community,” aniya pa.
Maliban diyan, sinorpresa si Bea ng “Widows’ War” family na kung saan hinandugan siya ng “happy birthday” song sa set, at konting salo-salo.
Makikita pa nga sa video na nagse-serve ng lechon ang seasoned actress na si Jean Garcia, habang si Jeric ay nag-perform with his guitar.
Ang karakter na pinagbibidahan ni Bea sa nasabing teleserye ay bilang si “Samantha Castillo-Palacios” at ang kasama rin niya riyan ay si Carla Abellana bilang kanyang bestfriend na si “Georgina Balay-Palacios.”
Bukod sa dalawa, tampok din diyan sina Tonton Gutierrez, Rita Daniela, Rafael Rosell, Benjamin Alves, Lito Pimentel, Jackie Lou Blanco, Royce Cabrera, Matthew Uy, James Graham, at marami pang iba.