‘Sunshine’ ni Maris Racal nominado sa Asia Pacific Screen Awards 2024

‘Sunshine’ ni Maris Racal nominado sa Asia Pacific Screen Awards 2024

PHOTO: Instagram/@mariestellar

IBANG level ang latest project na pinagbibidahan ng Kapamilya actress na si Maris Racal!

Dahil matapos ang world premiere ng pelikulang “Sunshine” na ginanap sa Toronto International Film Festival (TIFF) noong nakaraang buwan, may nakuha itong nominasyon sa Asia Pacific Screen Awards (APSA) 2024.

Ayon sa social media post ng award-giving body, ang local film ay kasama sa listahan ng “Best Youth Film” category.

Ang mga makakalaban diyan ng “Sunshine” ay ang mga pelikulang “Boong” ng India, “Magic Beach” from Australia, “She Sat There Like All Ordinary Ones” na gawa ng China, at ang “The Mountain” ng New Zealand.

Ang masayang balita ay proud na ibinandera rin mismo ng Project 8 Projects, ang production company ni Dan Villegas at direktor ng nasabing pelikula na si Antoinette Jadaone.

Baka Bet Mo: Maris naiyak sa pasilip ng pinagbibidahang ‘Sunshine’, babandera sa TIFF 2024

“YOU DID IT, SUNSHINE,” sey sa caption.

Wika pa, “SUNSHINE is nominated for Best Youth Film at the Asia Pacific Screen Awards, the region’s highest accolade in film!”

Ang pelikula ni Maris ay umiikot sa istorya ng isang babaeng gymnast na may pinaghahandaang Olympic competition.

Pero sa kasamaang palad ay bigla siyang nabuntis bago ang nakatakdang tryouts para sa national team.

Dahil diyan, gagawa siya ng mga paraan upang malaglag ang bata sa kanyang sinapupunan.

Ilan pa sa mga tampok sa pelikula ay sina Annika Co, Jennica Garcia, Elijah Canlas, Meryll Soriano at Xyriel Manabat.

Nauna nang sinabi ni Direk Jadaone na isusumite na muna nila sa iba’t-ibang international film festivals ang “Sunshine” bago ipalabas dito sa ating bansa.

“Wala pa kaming mabibigay na update [because] ang gusto muna namin, iikot siya sa international film festivals bago iuwi sa Pilipinas,” sey ng direktor.

Ang awards ceremony ng APSA 2024 ay mangyayari sa Australia sa November 30.

Read more...