Ysabel, Shaira, Miguel, Sofia inaming inspirasyon si Rhea Tan, bakit kaya?

Ysabel, Shaira, Miguel, Sofia inaming inspirasyon si Rhea Tan, bakit kaya?

SA ginanap na Belle Dolls mediacon ay kasama namin sa lamesa si Manay Lolit Solis na laging dumadalo kapag event ng Beautederm dahil gusto niyang maka-unang maka-experience ng produkto nito.

Aliw na aliw nga kami nang pinatikim sa amin ang mga bagong produkto ng Belle Dolls dahil gusting-gusto ni manay Lolit ang dark chocolate superfood Barley powder na tinanong muna niya kung anu-ano kasi nga maraming bawal sa kanya.

“Tinanong ko muna ‘no, e, sabi dark chocolate, e, puwede naman sa akin ang dark, masarap ha, may kanin-kanin,” seryosong sabi ni manay Lolit.

Nagkatawanan ang lahat kasi at that time ay hindi pa namin natikman kaya nu’ng tumikim kami ay totoo nga, masarap at ang kanin-kanin na sabi ni manay Lolit ay ang rice crispies at isa pang masarap ay ang kiwi, avocado at cucumber juice, nakaka-fresh din.

Baka Bet Mo: Ysabel Ortega na-shock nang mag-‘I love you’ sa kanya si Miguel Tanfelix

Samantala, nadagdagan na naman ang Beautederm Babies ni Ms Rhea Tan, Presidente at CEO ng Beautederm dahil ipinakilala niya ang Gen Z artists na sina Ysabel Ortega, Miguel Tanfelix, Sofia Pablo, Shaira Diaz bilang endorsers ng new beauty and wellness brand na Belle Dolls.

Mukhang mga manyika ang mga nabanggit nang humarap sila sa mediacon nitong Oktubre 16 sa Novotel, Araneta City, Quezon City dahil itinerno nila ang kanilang kasuotan sa kulay ng Belle Dolls tulad ng healthy coffee nilang caramel macchiato, dark chocolate superfood Barley powder, stem cell juice, collagen juice, at premium glutathione premium vitamin c.

At siyempre hindi naman nagpahuli sa Gen Z stars si Ms Rhea dahil siya rin ay mukhang belle dolls sa avocado green cocktail dress at take note, ang fresh ng face as in glowing talaga.

Nu’ng unang i-post ni Ms Rhea ang iniinom niyang stem cell juice sa kanyang Facebook account ay tinanong kaagad namin kung saan ito nabibili at binanggit naman at may I order talaga kami 2 packs kaagad at promise, ang sarap, nakaka-fresh lalo nap ag maraming yelo.

Anyway, sa ginanap na mediacon ay ikinuwento ni Ms Rhea na hindi siya tumitigil mag research pagdating sa wellness lalo na sa panahon ngayon na maraming nadidiskubreng sakit kaya kailangan ng dobleng ingat sa lahat ng kinakain at iniinom na vitamins at food supplements.

At kaya niya kinuha sina Ysabel Ortega, Miguel Tanfelix, Sofia Pablo, Shaira Diaz ay dahil mga energetic kahit pagod sa rami ng workload nila at makikitang mga naka-smile pa rin.

Sabi ni Ms Rhea, “The essence of our brand is the transformative experience that we provide to our consumers. Belle Dolls is a revolutionary brand for men and women everywhere,”

“When choosing an endorser, attitude matters. Ysabel, Miguel, Sofia, and Shaira exude sincerity and grace. I admire their growth and I love their youthful energy.

“They know what they’re advocating for a healthy lifestyle supported by healthy products. We should prioritize health and wellness, ensuring that we consume the right supplements, drinks, and juices.

Ready at glowing, masaya naman ang Sparkle stars sa mainit na pagtanggap sa kanila ng female CEO. Tiniyak nilang maayos na maihahatid ang mensahe sa consumers.

Kuwento nina Ysabel, Miguel, Sofia, Shaira, “Ms. Rhea Tan is an inspiration to everyone. What we love about her is her commitment to excellence. She knows the business and she really values her consumers. We’re grateful for her trust and for the trust of Belle Dolls family.”

Layuning makapagbigay ng mura, effective, at FDA & Halal-approved drinks, juices, at capsules, inilabas ng Belle Dolls ang Stemcell Juice Drink (Strawberry Lychee Iced Tea), Chocolate Drink (Dark Chocolate), Vitamin C Capsule, Pure Glutathione Capsule, Collagen Juice Drink (Kiwi, Avocado, Cucumber), at Healthy Coffee (Caramel Macchiato Original Blend).

“Lifestyle decisions have a clear impact on our careers. Take the time to prioritize your health and well-being, and you will reap the rewards,” say ni Ms Rhea.

Read more...