Kate Cassidy kay Liam Payne: I will continue to love you

Kate Cassidy kay Liam Payne: I will continue to love you

MAIKLI ngunit madamdamin ang naging mensahe ni Kate Cassidy sa kanyang yumaong boyfriend na si Liam Payne.

Sa kanyang Instagram story nitong Sabado, October 19, nagpasalamat siya sa mga taong nagpapadala ng mensahe sa kanya matapos ang malungkot na pangyayari.

“Thank you for all of the kind words and love that has been sent my way,” saad ni Cassidy.

Pag-amin pa niya, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari kay Liam.

Baka Bet Mo: Pinoy celebs nabigla, nalungkot sa biglang pagpanaw ni Liam Payne

Hiling rin ni Kate na sana ay bigyan siya ng privacy habang nagluluksa sa mga nangyayari.

“I have been at a complete loss. Nothing about the past few days have felt real.

“I ask and pray that you’ll give me the grace and space to navigate this in private,” saad ni Cassidy.

Mensahe pa ni Kate Cassidy sa yumaong boyfriend, “Liam, my angel. You are everything. I want you to know I loved you unconditionally and completely. I will continue to love you for the rest of my life. I love you liam.”

Matatandaang marami ang nagulat nang lumabas ang balita patungkol sa biglaang pagpanaw ni Liam.

Ayon sa unang nailabas na ulat, nahulog ang popstar mula sa balcony ng kanyang tinutuluyang hotel sa Argentina na nasa ikatlong palapag.

May mga lumabas ring ulat na under the influence of substance si Liam nang mangyari ang malungkot na insidente.

Read more...