UMABOT sa 25 injuries ang tinamo ng One Direction member na si Liam Payne matapos mahulog mula sa 3rd floor ng tinutuluyang hotel sa Buenos Aires, Argentina.
Namatay si Liam nitong nagdaang Huwebes na talagang ikinagulat ng kanyang mga fans and supporters mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Base sa mga naglabasang report mula sa isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa Argentina at sa resulta ng autopsy, nagtamo ng matinding sugat sa ulo si Liam.
Ayon pa sa ulat, ang mga sugat at pinsala sa katawan ni Liam ay consistent sa mga injury na may kinalaman sa pagkahulog.
Nakasaad din sa resulta ng imbestigasyon, mag-isa lang si Liam sa kuwarto ng tinutuluyang hotel nang mangyari ang insidente.
Baka Bet Mo: Pinoy celebs nabigla, nalungkot sa biglang pagpanaw ni Liam Payne
Posibleng nakaranas din umano ng “episode” ang international singer dahil sa hinihinalang substance abuse.
Nabatid din na may mga nasirang gamit sa loob ng kanyang hotel room. Natagpuan din ng mga imbestigador sa kuwarto ang hinihinalang droga at alcohol.
Meron din silang nadiskubreng isang cellphone, lighter, energy packs, at anxiety medication.
Last Thursday, naglabas ng official statement ang One Direction kung saan sinabing “completely devastated” ang lahat ng miyembro ng grupo dahil sa pagpanaw ni Liam.
Nakasama ng singer sa One Direction sina Harry Styles, Zayn Malik, Louis Tomlinson, at Niall Horan.