Cong TV sa yumaong fur baby na si Tawki: Habang buhay ka sa puso namin…

Cong TV sa yumaong fur baby na si Tawki: Habang buhay ka sa puso namin…

PHOTO: Instagram/@thecongtv

HEARTBREAKING ang latest social media post ng YouTuber na si Lincoln Velasquez o mas kilala bilang Cong TV.

Inanunsyo niya kasi na pumanaw na ang kanilang fur baby na si Tawki.

Sa Instagram, ibinandera ng vlogger ang ilang throwback pictures ng pet dog at ang caption niya riyan, “2015 pa pala tong picture natin. Ikaw nagpaalala sakin ulit tawki gaano kabilis ang oras.”

Inamin din ni Cong na hindi siya makapaniwala na tuluyan na silang iniwan ng mahal niyang aso.

“One day masaya lang tayong naglalaro sa bahay at nagvvlog sa Cavite tapos sa isang iglap 77 ka na pala sa dog years at matanda na,” wika niya sa IG.

Baka Bet Mo: Cong TV ibinandera ang fitness journey: Nakakabilib kayang gawin ng isang taon ‘pag nag-decide ka talaga na magbago

Mensahe niya sa fur baby, “Thank you sa sa lahat ng saya naidulot mo sa pamilya natin.”

“Habang buhay ka sa puso namin. I’ll miss you and I love you Tawki mahboy!” aniya pa.

Sa comment section, maraming fans ang nakiramay at nagluluksa sa nawala kila Cong TV.

Ang iba pa nga ay inalala pa ang favorite moments nila mula sa mga napanood nilang vlog na tampok ang pet dog.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“As a fan malaki ang naging bahagi ni Tawki sa buhay ni kuya Cocon yung sasalubong sa kanya tuwing uuwi siya sa Etivac [crying face emoji].”

“Grabe, naalala ko tuloy ‘yung vlog nila dati na tine-test nila ni Junnie Boy si Tawki kung anong gagawin kapag may magnanakaw na pumasok sa bahay nila. Run free, Tawki.”

“Tawki! Naalala ko pa siya lagi sumasalubong lagi sayo pagkauwi mo sa Cavite good old days ‘nung nasa Cavite ka pa nagvvlog. We will miss you Tawki [sad face emoji].”

“Naalala ko pa itong pic ehh JAGUAR ‘yung name ‘nung sa title ni Cong hayst sobrang LT pa naman ‘nung nangyari at ginagawa niyo dun kasama si Tawk.i”

“Aw ang bait bait pa man din ni Tawki sa mga vlogs mo noon bossing, meron pa kayong larong dalawa huhu run free Tawki [sad face emoji].”

Read more...