Kim, Darren isinugod sa ospital sa gitna ng ‘Magpasikat’ preparation

Kim, Darren isinugod sa ospital sa gitna ng 'Magpasikat' preparation

 

ISINUGOD sa ospital ang dalawang “It’s Showtime” hosts na sina Kim Chiu at Darren Espanto sa kalagitnnaan ng kanilang pagpe-prepare sa paparating na “Magpasikat” performance.

Sa kanilang kanya-kanyang Instagram account ay ibinahagi ng magkaibigan ang k

anilang mga larawan kung saan makikita ang kani-kanilang entry matapos mapunta sa ospital.

Ibinahagi ni Kim ang larawan niya na kuha sa loob ng ambulansya na kita ang kanyang mga hita.

Saad ng aktres sa caption, “Magpasikat realness (shy emoji),” saad ng aktres sa caption.

Baka Bet Mo: Kim Chiu nominado sa Asian TV Awards 2024: ‘Hala! Is this for real?’

Sa  hiwalay na post ay ibinahagi ni Kim ang larawan ng kamay niya kung saan naka-thumbs up siya sa kabila ng pagkakakabit ng dextrose.

“All good [hand praying and red heart emojis],” saad ng aktres.

Samantala, tulad ni Kim, ibinahagi naman ni Darren ang kanyang larawan na naka-thumbs up at kapansin-pansin ang bandage sa kanyang kamay.

“Tinodo masiyado sa training (I over-exaggerated my training) for ‘Magpasikat’ 2024 [sweating emoji],” saad niya sa caption.

Makikita sa background ang salitang “radiology” na nangangahulugang nasa ospital o clinic ang binata.

Sa X (dating Twitter) ay humingi naman siya ng dasal sa kanyang mga followers na para sa mga hosts ng naturang noontime program para sa kanilang nalalapit na “Magpasikat” performance.

“Waiting for my x-ray results! Ok naman po ako (I’m okay). Please continue to pray for all the hosts and the people behind ‘It’s Showtime’! We’re doing our best for y’all! Ilaban natin ‘to! (Let’s go on with this!)” saad ni Darren.

Hindi naman na ibinahagi nina Kim at Darren ang rason kung bakit sila biglaang naospital.

Marami naman sa mga netizen ang nagpaabot ng kanilang concern sa kanilang mga hinahangaang artista.

“Understandable, you want to make people happy, but when you abuse your body, mind, & heart with too much work, stress to keep up with hectic schedules, & worse, less or no sleep, your health is in danger. Health is wealth. Life is short, Kim,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Darren extra ingat, please. We’ll pray even more for everyone’s safety & protection.”

Ang “Magpasikat” week ay isa sa mga inaabangan ng mga madlang pipol sa “It’s Showtime” kung saan naglalaban-laban ang mga hosts sa pamamagitan ng pagpapamalas ng kanilang mga talento.

Talagang pinaghahandaan ito ng mga hosts at paniguradong may pasabog ang mga ito lalo na’t 15 years nang umeere ang naturang programa.

Read more...