Ina ni Derek Ramsay nahulog, nabalian ng buto: ‘Scariest moment of my life!’

Ina ni Derek Ramsay nahulog, nabalian ng buto: ‘Scariest moment of my life!’

PHOTO: Instagram/@derekramsay07

IBINANDERA ni Derek Ramsay ang nakakabiglang pangyayari sa kanyang ina na si Remedios.

Sa Instagram, ibinalita ng aktor na nahulog at nabalian ng buto sa may bahagi ng braso ang kanyang mommy.

Kalakip niyan ang ilang litrato ni Nanay Remedios na naka-confine sa ospital, pati na rin ang X-ray result na isinagawa sa kanya before and after ng operasyon.

Paglalarawan pa ni Derek, ang aksidente ng ina ang “scariest moment” sa kanyang buhay.

“The other day, my mom took a bad fall and broke her forearm,” bungad niya sa IG post.

Baka Bet Mo: Derek Ramsay sapak agad pag may beking nagtangkang mangharas

Pag-amin ng aktor, “Seeing her fall and seeing her in so much pain was the scariest moment of my life. My mom is a strong woman, so it was difficult to see her screaming and crying due to the pain.”

Nabanggit din ng asawa ni Ellen Adarna na naging “successful” ang surgery ng kanyang ina kaya lubos ang pasasalamat niya sa lahat ng doktor at nurse na nag-alaga sa huli.

Nag-thank you rin siya sa mga nagpaabot ng dasal para sa kanyang ina.

Chika pa niya, “Thank you, Lord, for answering all our prayers! Mom is back to putting on her own makeup, which is definitely a good sign!!”

 

Sa comment section, maraming kapwa-celebrities at personalidad ang nag-alala kay Mommy Remedios at nagpahayag ng kanila “well wishes” para sa mabilis na paggaling nito.

Kabilang na riyan sina, Karen Davila, Gelli de Belen, Nelson Canlas, Lovely Abella, Patricia Javier, Martin Nievera, Iza Calzado, Vina Morales, at marami pang iba.

“Get well soon po tita [red heart emoji] prayers for speed recovery [folded hands emoji],” komento ni Vina.

Saad ni Martin, “I am sorry to hear about your mom’s fall my friend . Prayers for a quick strong recovery [folded hands, red heart emojis].”

Lahad ni Gelli, “God is good. Prayers for your Mom.”

Ani naman ni Iza, “Healing prayers for your mom [folded hands, red heart with bandage emoji].”

Read more...