Misis ng suspek sa pagpatay sa mag-asawa sa Pampanga nagpadala pa ng lechon

Misis ng suspek sa pagpatay sa mag-asawa sa Pampanga nagpadala pa ng lechon

VIRAL ngayon ang isang Facebook post na nagsasabing dumalaw umano sa lamay ng pinaslang na mag-asawang online seller, ang misis ng mastermind sa naturang krimen.

Bukod sa pagpunta sa burol ng mga biktima, nagpadala pa raw ito ng lechon belly sa pamilya ng pinatay na mag-asawa.

Base sa Facebook post ng isang Leslie Lulu Manabat, kapatid ng isa sa mga biktima, talagang personal pa raw na nagtungo sa lamay nina Arvin at Lerma Lulu, para makibalita sa kaso.

Mababasa sa naturang post ang  mensahe umano ni Joanna Marie Perez, asawa ng pinaghihinalaang mastermind na si Anthony Limon.

“Di ko kinaya yung nag-follow at nakikibalita pa at pumunta pa sa burol ang masaklap kumare kapa bat di kanalang nakiusap ung bnyad nyo dun sa gunman sana binawas nyo nalang sana un sa mga utang nyo,” ang nakasulat sa FB post ni Manabat.

Baka Bet Mo: ‘Lechon dinosaur’ na handa ng isang pamilya nitong Bagong Taon ‘pinulutan’ ng netizens: Nagmula pa sa Jurassic Park!

Base sa mga naglabasang ulat, kumpare raw ng mga biktima ang mastermind.

Pagpapatuloy ni Manabat, “Kahit pa magdusa kayong lahat makulong ng habangbuhay kulang na kulang pa yun ang parusa sa inyo.

“Ganun na ba kainggit di kna nakuntento sa kung anong meron ka ang bait ng ate ko sayo gnun gnun lng kadali sayo na ipapatay na dimo man inisip ung consequences walang bulok na di sisingaw.

“Ninang kaman na nasabi pero walang awa mong tinanggalan ng magulang ang pamangkin ko,” sabi pa ng kapatid ng biktima.

Nabanggit din ni Manabat sa comment section ng kanyang post na parang  kinutuban siya nang pumunta sa lamay si Perez.

“Parang wala lang nagchat at nag follow kapa sakin at nkkisympathya na para innocente saan ka kumukuha ng kapal ng mukha.

“Kinutuban ako noon pumunta ksa burol kase nagtagal ka nkikibalita ka cgru kybg my alam na kame saan mo hinuhugot ung kapal ng mukha,” sabi pa niya.

Kasunod nito, ibinuking din ni Manabat na nagpadala pa raw si Perez ng lechon belly sa kanyang ate.

“May (last supper) ka pa nabigla na lang si ate na nagpadala ka ng letchon belly at dahil mabait si ate ang sagot niya ‘sakto gagawin namin ang birthday ni mama ngayon’ at tuwang-tuwa pa ang ate ko binida ka pa niya.

“Doon pa lang pala nagbabalak ka na,” ang pambubuking pa ni Manabat sa asawa ng umano’y mastermind.

Dagdag pa nito, “All of the sudden bigla k nlng nagpadala ng letchon belly sa bahay yun pla iba na ang plano mo.

“Walang kaalam alam ang ate kong innocente na gnun na pla plano nyo sa kanya,” sabi pa niya.

Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng mga otoridad kung involved din si Joanna Marie sa karumal-dumal na pagpaspalan sa mag-asawang Lulu.

“Based on the revelations po ng mga middleman po natin is kapag nagco-conduct po ng transaction ito pong si lalaki (Anthony Limon) kasama rin po niya ‘yung asawa niya.

“Pero ang humaharap lang po is ‘yung lalaki. But nevertheless, still iva-validate po natin, magco-conduct po tayo ng investigation para po malaman natin kung sila bang mag-asawa ang may pakana ng krimen na ito,” ang pahayag ni Pcol. Jay Dimaandal, Provincial Director ng Pampanga PPO.

Bukod kay Limon, may anim pang inaresto ang mga pulis na sinasabing kasabwat, sa pagpatay sa dalawang biktima.

Nitong nakaraang linggo nang pagbabarilin ng riding in tandem ang mag-asawang biktima habang sakay ng pickup truck sa Mexico, Pampanga.

Read more...