Sino ang unang na-‘in love’ kina Kate Valdez at Fumiya Sankai?

Sino ang unang na-‘in love’ kina Kate Valdez at Fumiya Sankai?

PHOTO: Instagram/@fumi.japan

KUNG dati, tila sinisikreto pa nila ang kanilang “real score”, aba, ngayon ay open na open na sila Kate Valdez at Fumiya Sankai na pag-usapan ang kanilang relasyon.

Kamakailan lang sa isang media interview, sinabi ng couple na five months na silang magkakilala –dalawang buwang magkaibigan at tatlong buwang “dating.”

Inamin din ni Kate na hindi niya naisip noon na magkakatuluyan sila ni Fumiya at ibinunyag na ang actor-vlogger ang naunang na-inlove sa kanilang dalawa.

“I saw him as someone I want to keep as a very good friend,” sey ng aktres.

Patuloy niya, “I don’t know if it’s toxic or what, but I have this belief that if someone is a friend, the relationship will last longer.”

Baka Bet Mo: Ex-PBB housemate Fumiya Sankai: I’m not bading, very straight na lalaki!

“So I don’t want to ruin that. But he’s the one to fall first,” saad pa ni Kate.

Kasunod niyan, ibinunyag ni Fumiya na ang first time niyang magsabi ng “I love you” kay Kate ay nasa wikang Ingles at Tagalog.

“I love you in English and Mahal Kita in Tagalog,” chika ng Japanese actor-vlogger.

Nabanggit naman ng aktres na hindi naging madali noong nagtapat sa kanya si Fumiya dahil naging sarado ang kanyang puso mula nang mabigo siya sa huli niyang pag-ibig.

“I don’t want anything bad. I want to keep good people, friends, that’s my focus. But then I said, ‘Ah okay, love ko na pala siya’,” pahayag ng aktres.

Sa ngayon, ang dalawa ay naka-semi long distance relationship.

Si Fumiya ay nakatira sa Japan, pero bumabalik siya rito sa Pilipinas isang beses kada isang buwan.

Magugunitang, nagsimulang kumalat ang chikang may “something” sa pagitan ng celebrity couple nang mag-trending ang social media post nila na magkasama sa isang Hong Kong trip bilang birthday celebration ni Kate.

Read more...