Matakot, kabahan, mandiri sa nagbabalik na horror film na ‘Smile 2’

Matakot, kabahan, mandiri sa nagbabalik na horror film na ‘Smile 2’

PHOTO: Courtesy of Paramount Pictures International

MAKALIPAS ang dalawang taon, nagbabalik sa mga lokal na sinehan ang psychological supernatural horror film na “Smile.”

Showing na ang “Smile 2” na pinagbibidahan nina Naomi Scott, Rosemarie DeWitt, Lukas Gage, Raúl Castillo, at Kyle Gallner.

Kamakailan lang, isa ang BANDERA sa mga naimbitahan para sa advance screening ng pelikula at talaga namang mas maganda ang bagong franchise kaysa sa una.

Mas maraming twists ang kwento ngayon, mas matindi ang gory scenes kaya naman swak na swak ito sa nalalapit na Halloween season, lalo na sa mga fan ng horror movies diyan!

Hindi pa rin nawawala ang pagiging “creepy” ng facial expressions ng mga actor sa movie kaya naman nakakadagdag pa rin ito sa thrill.

Baka Bet Mo: ‘Joker’, ‘Superman’, ‘Venom’, ‘Smile’ mga nagbabalik big screen ngayong Oktubre

Bukod sa mga hiyawan na maririnig sa audience, magandang pambalanse sa horror film ‘yung ibinabatong comedic lines ng ilang characters dahil marami ang tawang-tawa.

Anyway, hindi namin pwede i-spoil ang istorya mismo ng palabas, kaya heto nalang ang synopsis na inilabas ng Paramount Pictures:

“About to embark on a new world tour, global pop sensation Skye Riley (Naomi Scott) begins experiencing increasingly terrifying and inexplicable events. Overwhelmed by the escalating horrors and the pressures of fame, Skye is forced to face her dark past to regain control of her life before it spirals out of control.”

Read more...