Sue Ramirez, Javi Benitez tumagal ng 5 years, nagkasawaan kaya nag-break?

Javi Benitez, Sue Ramirez tumagal ng 5 years, nagkasawaan kaya nag-break?

Javi Benitez at Sue Ramirez

“E, SIGURO 5 years na rin naman sila, so matagal na rin,” ang kaswal na sagot sa amin ng kaibigan nina Victorias City Mayor Javier “Javi” Miguel Benitez at aktres na si Sue Ramirez.

Tulad nang naisulat namin dito sa BANDERA noong Oktubre 3 na matagal nang hiwalay ang dalawa at nabanggit namin na diumano ay hindi boto ang magulang ni Mayor Javi kay Sue dahil may iba silang gusto para sa binata.

Sakto na nakita namin ang kaibigan ng dalawang personalidad at tinanong namin kung bakit naghiwalay ang magkarelasyon.

Baka Bet Mo: Sue Ramirez hinangaan ang dyowa sa kasipagan sa trabaho: I am incredibly proud of you

“Kasi nga 5 years na sila, matagal na at wala naman ding plano pa si Javi, siguro si Sue baka nagtatanong na, pero kasi si Javi may iba pang plano sa buhay,” sagot ulit sa tanong namin.


Binanggit namin na “hindi raw boto ang parents?”

“Huh! That’s not true! Do you think Mayor Albee (Benitez) and Nikki (Lopez Benitez) makikialam? I don’t think so, masyado silang busy sa pagkakaalam ko,” katwiran ng kaibigan nina Mayor Javi at Sue.

Dagdag pa, “Definitely walang 3rd party sa break-up. Si Javi kasi masyado ring busy kaya walang time, so baka isa ‘yun sa reason kaya naghiwalay.


“Like now kakandidatong congressman si Javi for 3rd District of Negros Occidental while mayor Albee naman will run also for Bacolod’s lone district.  Iiwanan na nila ang pagiging mayor pareho,” sabi ng aming source.

Sa kasalukuyan kasi ay wala pang nagsasalita o hindi naglalabas ng statement sina Javi at Sue kaya kung anik-anik ang mga naglalabasang balita.

Bukas ang BANDERA sa panig ng mga personalidad na nabanggit tulad nina Sue Ramirez at Javi Benitez.

Read more...