Korina may kundisyon bago tinanggap ang Face to Face kapalit ni Karla?

Korina may kundisyon bago tinanggap ang Face to Face kapalit ni Karla?

Korina Sanchez

“ANG daming shows ni Korina (Sanchez-Roxas)!” Ito ang nanlalaking-matang sabi sa amin ng isang kaibigan ng TV host.

Natanong kasi namin kung nag-taping na si Ms. Korina sa bago niyang programang “Face to Face” sa TV5 bilang kapalit ni Karla Estrada na nagbitiw dahil kakandidato raw mayor sa kanilang probinsya.

“Hindi pa nagte-taping kasi kakadating pa lang (galing Europe) baka sa Thursday,” kaswal na sagot sa amin.

Nu’ng una raw ay ayaw tanggapin ni Ms. Korina sa “Face to Face” dahil nawala na ang dating talk show nitong “Tik Talks” na umere noong Disyembre, 2022 at huling umere noong Marso, 2024.

Baka Bet Mo: Korina gusto ring ma-interview sina Heart at Chiz; may nilinaw tungkol kina Loren at Robin

“E, hiniling ni Korina package deal. Sabi niya tatanggapin niya ang Face to Face pero kailangang ibalik ang Tik Talks,” tsika ng malapit kay Ms. Korina.

Bukod sa batikang broadcaster ay naroon din sa nasabing show sina Pat-P Daza, Kakai Bautista, G3 San Diego at Alex Calleja as hosts.

* * *

Nakakuha ang drama-thriller series ng ABS-CBN na “Lavender Fields” ng all-time high viewership record nang magtala ng 755,332 peak concurrent viewers ang episode nito noong Biyernes (Oct. 4) matapos abangan ng mga manonood ang kahihinatnan ni Jasmin matapos malaman ni Zandro ang kanyang tunay na pagkatao.

Sunod-sunod na binasag ng serye ang viewership records nito nang makakuha ang episode noong Miyerkules (Oct. 2) ng 657,514 views, na nilampasan ang dati nitong record simula noong pagpalabas ng pilot episode, habang ang episode nitong Huwebes (Oct. 3) ay umabot sa 748,268 views.

Nang sumunod na araw (Oct. 4), nilampasan ng episode na ito ang viewership record ng serye sa ikatlong pagkakataon nang makakuha ito ng 755,332 views.

Patuloy na sinusubaybayan ng mga manonood ang “Lavender Fields” dahil sa pasabog na mga rebelasyon nito. Inamin na ni Aster (Maricel Soriano) ang kanyang tunay na intensyon sa pagtulong kay Jasmin.

Pinaniniwalaan ni Aster na ang tatay ni Iris (Janine Gutierrez) na si Vittorio (Edu Manzano) ang nasa likod ng pagkawala ng kanyang anak na si Marigold. Samantala, humingi ng tulong si Jasmin kay Zandro (Albert Martinez), na sa paghahanap ng kanyang anak.

Ipinakita rin sa episode noong Biyernes ang pagbabalik ni Tyrone (Jericho Rosales), na nananatiling buhay at nakakulong lang pala, habang palapit nang palapit na si Zandro sa pagkakakilanlan ng anak ni Jasmin sa pamamagitan ng isa pang DNA testing.

Nananatili naman ang serye bilang isa sa Top 10 TV Shows ng Netflix PH, habang numero uno pa rin ito sa mga pinakapinapanood na palabas sa iWantTFC.

Read more...