BINI nag-panic nang sumablay ang sound system ng Billboard PH, pero…

BINI nag-panic nang sumablay ang sound system ng Billboard PH, pero...

AMINADO ang mga miyembro ng super P-pop group na BINI na nag-panic sila ng slight nang magkaroon ng technical glitch sa Billboard Philippines anniversary last Tuesday night.

Nag-viral at naging trending topic ang performance ng BINI sa naturang event matapos ngang magkaaberya sa sound system ng production.

Ngunit sa kabila nga nito, ipinagpatuloy lang ng grupo ang kanilang song and dance number at kinanta ng acapella ang kanilang hit track na “Cherry on Top.”

“Noong part ko na ‘My presence is a present,’ biglang nawala. Akala ko, ako lang ang nakarinig. Kinabahan ako nang kaunti. Baka mamaya, ako lang ‘to. Paano ako magki-keep up?” kuwento ni BINI Stacey sa panayam ng ABS-CBN.

Dagdag pa niya, “Tapos, tumitingin ako sa ibang girls, parang na-stop na siya. Buti na lang, merong adlib ko. Parang nag-adlib na lang din, parang nag-go with the flow na lang din po kami talaga.”

Baka Bet Mo: Rey, Marco bilib na bilib din sa BINI: Magtatagal sila kung…

“Hindi naman po talaga maiiwasan yung mga ganitong technical difficulties. Lalo na po sa mga artists, hindi po maiiwasan yun,” dugtong pa ni Stacey.

Sabi naman ni BINI Jhoanna, “We were trained din naman ng mga ganitong chances talaga..Kailangan mo na lang talagang magpaka-professional kasi maraming naghintay sa’yo, ‘di ba?

“Bumawi na lang po kami noong bumalik ‘yung music,” aniya pa.

Sey ni BINI Sheena, nag-panic siya nang biglang mawala ang music pati na ang kanilang mic, pero mabilis lang siyang naka-recover nang maki-sing along na ang audience.

“Thank you so much, Blooms at sa ibang tao na nakisabay sa amin. Actually, noong narining ko, nag-panic talaga ako. ‘Oh my gosh, namatay!'” chika ni Sheena.

“Pero noong nag-forward na kami tapos sumasabay na sila. Naiyak ako slight, pero hindi kita. We’re so happy na sinuportahan kami ng lahat at naki-kanta sila,” sabi pa ng dalaga sa naturang interview.

Ang ginawa nila sa gitna ng technical glitch ay nag-mashup ng “Cherry on Top” at “Pantropiko” na nakatanggap ng malakas na palakpakan at hiyawan ng kanilang fans.

“Doon na lang po namin binawi, kasi siyempre, hindi naging perfect na live. Ine-expect namin na magiging smooth ‘yung performance.

“Pero ‘yun nga, nagkaroon ng difficulty, kaya bumawi na lang kami sa mga dance breaks, at sumunod na prod namin,” sabi ni BINI Maloi.

Bukod sa BINI, nakaranas din ang isa pang super P-pop group na SB19 technical glitch habang nagpe-perform sa Billboard Philippines event.

Sa pamamagitan ng official statement ng Billboard Philippines, sinabi nitong napagkasunduan ng kampo ng BINI at SB19 “to move forward with a positive outlook, focused on further elevating Filipino talent and music on the global stage.”

Read more...