Jay Manalo masaya para sa half-brother na nakiltang muli ang ina after 30 years

Jay Manalo masaya para sa half-brother na nakiltang muli ang ina after 30 years

SUPER saya ang aktor na si Jay Manalo sa balitang nakita na ng kanyang half-brother na si Julius ang inang Korean makalipas ang 30 taon.

Sa kanyang naging panayam sa PEP.ph, inamin niya ang kanyang nadarama sa muling pagkikita ng kapatid at ng nawalay nitong ina.

“I am very happy na nagkita na rin sila ng nanay niya,” saad ni Jay.

Hindi naman nagkakalayo ang kuwento nilang magkapatid dahil gaya ni Julius, nawalay rin ang sexy actor sa kanyang ina na isa namang Vietnamese.

Baka Bet Mo: Vince Rillon nakiliti sa romansa ni Jay Manalo sa ‘Hosto’: Hindi pa nagte-take, nilalandi at inaamuy-amoy na niya ako sa kama’

Matatandaang nitong Setyembre nang magkita ang kapatid ni Jay at ina nitong si Oh Geum Nim sa South Korea.

Ang South Korean show na “Mommy’s Spring Day” ng TV Chosun ang naging daan para magkita ang dalawa.

Isang musician at overseas Filipino worker si Eustaquio, ang ama nina Jay at Julius.

Sa kabila ng pagkakapanganak sa South Korea, hindi na nakita ni Julius ang ina dahil iniuwi na ito sa Pilipinas ng ama.

Ganoon rin ang istorya ni Jay kung saan nawalay rin ito sa kanyang Vietnamese mom na si Kim Lan Jones ngunit noong 1995 ay muli silang nagkita matapos ang ilang taong walang komunikasyon.

Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang komunikasyon ng aktor sa ina.

“Tatlo kaming magkakapatid, kaso yung bunso namin, namatay at the age of five,” pagbabahagi ni Jay.

Kahit na mas matanda ng 13 years ay maayos ang kanilang relasyon ni Julius.

Proud na kuwento nito, siya ang bestman nang ikasal ito.

Read more...