Willie malaking bahagi ng love story nina Rhiam Ramos at Sam Verzosa

Willie malaking bahagi ng love story nina Rhiam Ramos at Sam Verzosa

Willie Revillame, Sam Verzosa at Rhian Ramos

IKALAWANG tatay na ang turing ng TV host at public servant na si Sam Verzosa kay Willie Revillame na parehong tatakbo sa darating na 2025 elections.

Mas nakilala ng publiko si Sam o SV mula nang maging co-host siya ni Willie sa dati nitong programa sa GMA 7 na ni “Wil To Win”.

Dito rin daw siya nagsimulang matuto bilang TV host, “Napakalaking tulong ni Kuya Wil. Kung hindi po dahil sa kanya, wala po ako sa kongreso.

“I’m the representative of Tutok to Win Party List. Yung binibigay sa aking exposure, ginawa pa niya akong co-host sa Wil To Win araw-araw,” pahayag ni SV.

Baka Bet Mo: Engagement nina Rhian Ramos at Sam Verzosa fake news; ‘Dear SV’ tuloy ang pagtulong, pagpapaiyak sa mga Pinoy

At knows n’yo bang si Willie rin ang naging tulay sa pagtatagpo ni SV at ng girlfriend nitong aktres na si Rhian Ramos.

“Opo, hindi ko mami-meet si Rhian kung hindi dahil sa programa kasi pareho kaming host nu’n. So, napakalaki ng utang na loob ko kay Kuya. Ang dami niyang naibigay na tulong sa akin.

“Yung pagho-host, siya rin ang nagbigay sa akin niyan. Pati ang pagdidirek, sa kanya ko natutunan. Pati ang pananalita,” sey pa ni Sam na patuloy ang ginagawang pagtulong sa pamamagitan ng kanyang public service program sa GMA 7 na “Dear SV.”


Nang matanong kung ano ang reaksyon niya sa hindi kagandahang komento ng netizens sa istilo ng pagho-host ni Willie sa kanyang mga programa, lalo na kapag pinagagalitan o pinagsasabihan nito on air ang kanyang staff.

Paliwanag ni SV, “Sa totoo lang, hindi naman mawawala ang mga haters, bashers. Ang tinuturo ni Kuya Wil ay tamang paghu-host, disiplina sa mga tao, professionalism.

“Kung hindi natin maituturo yan, maaabuso po tayo at hindi natin magagandahan ang show. Katulad po ng ginawa ko ngayon, sa kanya ko po natutunan kung paano maging professional.

“Kung paano pagandahin ang programa, kung paano lagyan ng puso. Actually, ang programa ni Kuya Wil, ang programa na Dear SV, para po sa mga tao, e. Hindi po namin ito programa, programa ito ng mga tao, bawat Filipino.

“At ang sinasabi nga niya sa mga kasamahan niya, sa amin, para sa milyun-milyong Filipino na umaasa sa atin, maging professional tayo. Paghandaan natin ang mga ginagawa natin,” sabi pa ni SV na handang-handa na sa pangangampanya bilang mayor ng Maynila.

Samantala, itinanggi naman ni Sam na inimpluwensiyahan niya si Willie na tumakbong senador sa 2025 midterm elections.

Talaga lang daw nasa puso ng kanyang mentor ang pagsisilbi at pagtulong sa mga nangangailangan nating mga kababayan.

Read more...