Vice napikon sa ina ng batang umiiyak na nagpa-picture sa kanya

Vice na-bad trip sa ina ng batang umiiyak na nagpa-picture sa kanya

Ervin Santiago - October 14, 2024 - 03:17 PM

Vice na-bad trip sa ina ng batang umiiyak na nagpa-picture sa kanya?

Vice Ganda at ang batang umiiyak na nappa-picture

TILA napikon ang Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda sa isang nanay na naging bahagi ng studio audience ng Kapamilya at Kapuso noontime program na “It’s Showtime.”

Base sa isang video clip na napanood namin sa TikTok, makikita ang naging reaksyon ni Vice sa nanay ng isang batang nagpa-picture sa kanya loob ng studio ng “It’s Showtime.”

Mukhang hindi nga nagustuhan ng TV host-comedian ang ginagawang pamimilit at pagtulak ng naturang nanay sa kanyang anak para lamang makapagpa-picture kay Meme Vice.

Kung titingnan ay parang nakikipagbiruan lang ang komedyante sa nanay ng bata ngunit mararamdaman mo rin ang kanyang pagkapikon sa nangyari.

Baka Bet Mo: Angeline napikon nga ba sa viral ‘napadaan lang’ blooper sa ASAP habang kumakanta sina Jed at Klarisse?

Mismong si Vice na ang lumapit sa bata na tila umiiyak na. Kaya naman ang reaksyon ni Meme, “Kasi tinulak mo mother, e. E, kasi ginaganu’n mo yung bata. Bakit ginaganu’n mo yung bata?”

Isa ang kuwentong ito sa tinalakay sa latest episode ng “Showbiz Updates” YouTube channel kung saan nagbigay ng reaksiyon ang host nitong si Ogie Diaz.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)


“Si Vice parang napikon doon sa nanay ng bata. Kasi ‘yung bata umiiyak na. Pero parang tinutulak pa rin (ng nanay) para makapagpa-picture kay Vice, e, ine-estima na nga ni Vice,” simulang pagbabahagi ni Mama Ogs.

Patuloy pa niya, “Tapos hindi naman artista ‘yung anak pero parang stage mother ‘yong nanay ng bata.

“Anyway, dalawang beses nang itinulak kunwari ni Vice ‘yung ale para sabihing ‘huwag mo kasing itulak ‘yung anak mo. Umiiyak na tuloy,’” sey pa ng online host at talent manager.

Paalala pa ni Ogie sa mga nanay, “Huwag nating pilitin ang bata kung ayaw magpa-picture, ‘di ba? Mga bata ‘yan, ‘di ba?

“Siyempre ang unang-unang mag-aalaga sa mental health sa bata ay ang nanay niya,” sabi pa ni Ogie.

Naiintindihan naman daw ni Mama Ogs ang trip ng nanat nu’ng bata na magkaroon ng picture ang anak kasama si Meme Vice para maibandera sa social media.

“E, kaya lang nga, anong ipo-post mong picture? ‘Yong lumuluha ‘yong anak mo?” ang punto pa ni Ogie.

Base sa mga nabasa naming comment sa socmed, mas maraming kumampi at sumang-ayon sa ginawa ni Vice sa nanay ng bata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Habang isinusulat namin ang balitang ito at wala pang reaksyon si Vice kaugnay ng naturang TikTok video. Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag ng Unkabogable Star.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending