Vivamax star Jenn Rosa sa laplapan nila ni Josef Elizalde: Dila pa more!

Vivamax star Jenn Rosa sa laplapan nila ni Josef Elizalde: Dila pa more!

Jenn Rosa, Josef Elizalde at Aiko Garcia

BINIGYAN ng 8 out 10 rating ng Vivamax Bombshell na si Jenn Rosa ang leading man niyang si Josef Elizalde sa pelikulang “Halinghing.”

Tumatawang biro ni Jenn, more “dila” pa raw dapat ang gawin ni Josef sa susunod nilang mga kissing scene para bigyan niya ito ng perfect 10 pagdating sa laplapan.

Sa naganap na presscon ng pinakabagong Vivamax Original Movie na “Halinghing”, natanong ang sexy star kung saan siya mas kinikilig o tinatamaan – sa halik o yakap? Hanggang sa mapag-usapan na nga ang kissing scene nila ni Josef sa pelikula.

“Mahilig po ako sa magaling humalik. Kasi masarap ako humalik,” ang diretsahang rebelasyon ni Jenn.

Baka Bet Mo: Vivamax star Jenn Rosa super kilig kapag sinasabihang kamukha ni Marian

Reaksyon naman ni Josef, “Oo naman! Sobrang sarap. Unang-una sa balota. Pero nakalimutan ko, eh. Pwede bang ulitin natin?”


At nang tanungin nga si Jenn kung ano ang ibibigay niyang rating sa halik ni Josef, “Kiss mo rin naman masarap. Pero 8 muna, baka may ite-10 pa ‘yan! Ha-hahaha!”

Hirit pa ni Jen para maging 10 ang rating ni Josef pagdating sa halikan, “More dila! Ha-hahaha!”

Samantala, iikot ang kuwento ng “Halinghing” sa isang photojournalist na mabibigyan ng assignment kasama ang isang kontrobersyal na aktres, pero magiging kumplikado ito dahil sa paglutang ng mga lihim at nakatagong pagnanasa.

Mula sa direksyon ni JAQ, ang mapangahas na “Halinghing” ay mapapanood na sa Vivamax simula October 18, 2024.

Ang kwento ay tungkol kay Randie (Aiko Garcia), na naatasang i-cover ang kwento ni Faith Sanders (Jenn Rosa), isang sikat na aktres na nasasangkot sa isang iskandalo.

Si Faith ay inaakusahan ng pagpatay sa kanyang asawang negosyante (Josef Elizalde), isang kasong walang humpay na pinag-uusapan ng publiko mula nang pumutok ito.


Ngunit ang pagkakataon ni Randie na gumawa ng eklusibong kwento tungkol sa pagbabalik-showbiz ni Faith ay may isang kundisyon: kailangan niyang gawin ito nang mag-isa, walang kasamang coverage team.

Habang mas nakikilala ni Randie si Faith, ang kanyang nararamdamang paghanga para sa misteryosong aktres ay mas lumalalim, hanggang sa hindi na niya ito kayang ipagwalang-bahala.

Ang dapat sanang isang professional assignment ay magtutulak kay Randie na kwestiyunin ang kanyang sexuality at pagkakakilanlan sa sarili.

Ngunit, may mga madidiskubre si Randie sa buhay ni Faith, dahilan para maharap siya sa isang problema: matatapos ba niya ang kanyang assignment nang hindi naaapektuhan ng kanyang nararamdaman sa aktres?

Dapat ba niyang ilantad ang kanyang nalaman o poprotektahan niya ang babaeng natutunan na niyang mahalin?

Abangan ang “Halinghing” sa October 18, at damhin ang isang kwentong susubok sa pagmamahal at moralidad ng isang tao.

Read more...