Vice Ganda sure na sure, may demolition job laban sa It’s Showtime

Vice Ganda sure na sure, may demolition job laban sa It's Showtime

Jackie Gonzaga, Ion Perez at Vice Ganda

MARAMING sumang-ayon sa paniniwala ni Vice Ganda na may mga taong nagsasagawa ng demolition job laban sa programa nilang “It’s Showtime.”

Sunud-sunod kasi ang mga naglalabasang kanegahan at malilisyosong balita laban sa Kapamilya at Kapuso noontime show at sa ilang hosts nito.

Kamakailan ay kumalat ang fake news na buntis daw ngayon si Jackie Gonzaga at si Ion Perez ang tatay. Ito raw ang dahilan kung bakit nagkakalabuan na raw ang mag-asawang sina Ion at Vice Ganda.

Baka Bet Mo: ‘It’s Showtime’ apektado sa paglipat nina Tito, Vic & Joey sa TV5, hirit ng netizens: ‘Baka sila naman ang makarma!?’

Bukod dito, may chika ring hanggang December, 2024 na lang daw mapapanood ang “It’s Showtime” sa GMA 7 dahil hindi na umano ire-renew ang kontrata nito sa Kapuso Network.

Sa naganap na presscon para sa anniversary ng noontime show, diretsahan nang sinagot ni Vice ang mga isyung ito.


“Well, there really was or there really is a demolition job against ‘It’s Showtime.’ Pero hindi naman natin sasabihin kung kanino nanggagaling yun. Yung ginagawa sa social media, demolition job yun,, di ba?

“Nu’ng mga trolls, demolition job yun, eh. Meron silang masamang intensyon at balak kaya demolition job yun,” sey ng TV host-comedian.

Dagdag pa niya, “Maaaring kami ay may kakayahan o nasa isang posisyon na gustong maranasan at makuha din ng iba. At para makuha nila yun, kailangan nilang subukan yun ganu’ng ruta. Kailangan natin mabasag at makuha yung kung anong meron sa kanila.”

Sa loob ng 15 years, napakarami na ring pinagdaanang pagsubok ng “It’s Showtime”, kabilang na ang ilang beses na pagsuspinde sa kanila ng MTRCB.

Sabi ni Vice, “We just have to deal with it and we just have to keep on going. Kaming lahat sa dami nang pinagdaanan namin, I believe that our team is strong enough to be able to battle all these negativities, challenges and threats together.

“It will be hard kung hindi kami magkakasama. Kaya yun ang lagi naming pinananatili at tinatawid. Kailangan magkakasama tayo,” dagdag pa ng komedyante.

Para naman sa isa pang host ng show na si Vhong Navarro, “Wala naman talagang perpekto, may mga pagkakamali.


“Sa dami mong ginawa na tama, isang pagkakamali lang na nagawa mo, ang maaalala lang ng mga tao ay yung isang pagkakamali na yun. Kumbaga, hindi mo maple-please lahat ng tao,” aniya pa.

Base sa mga nabasa naming komento hinggil dito, marami ang naniniwala na mukhang may mga pwersa nga na pilit sumisira at nambabagsak sa “Showtime” kaya walang tigil ang paglabas ng fake news laban sa kanila.

Narito naman ang ilang comments ng netizens tungkol sa chikang hanggang December na lang ang “Showtime” sa GMA 7.

“Okay narin kasi naman Hindi makapag promote ang mga kapamilya artists Panay gma ang nakaka pag promote.. kaya okay narin na umalis nalang sila saan man sil pumunta susundan naman sila ng true kapamilya supporter.”

“Kahit saan man..mapanood ang showtime..susundan at susundan sa mga madlang people…ako nga dati..YouTube2…kahit..puro reply ang pinapanood ko ok lang….wala pang skip sa ads.”

“Di naman kasi bagay Ang showtime sa GMA totoo.. kaya dapat lang Yung sa abs lang bagay Ang showtime.”

“Ay ako basta D ko sila pinanood sa All tv Basta A2Z A2Z A2Z A2Z kasi sila ang unang sumugal nagbigay ng pagkakataon sa Its Show Time sa kabila ng nandyan pa si Ang Berdugong Duterte kaya solid A2Z ako bilang  pagtanaw ng utang na loob kaya to A2Z. thankyouu.”

Read more...