Demolition job laban kay Kris buking: Don’t be a sawsawero!
KUNG papasa ang proposal na gawing Philippine Movie Industry month ang Setyembre, posibleng ito na rin ang maging petsa para ipagdiwang ang Pista ng Pelikulang Pilipino na pinamamahalaan ni Film Development Council of the Philippines Chairperson Liza Dino.
Ngayong taon kasi ay nakatakdang ganapin ang PPP sa Set. 11 to 17 kasabay ng ika-100 taon ng Philippine Cinema.
“100 years of Philippine cinema kasi is September 12, 2019. So, in-adjust namin ang PPP para dito gawin ang launch ng celebration ng Philippine Cinema Centennial,” saad ng FDCP chair.
Sa nakalipas na dalawang taon, palaging Agosto 15 to 21 ang PPP kaya tinanong namin si Liza kung posibleng ilipat na ito sa Setyembre para hindi malito ang tao, “We will push na ganoon na. Kasi may proposal na gawing Philippine Movie Industry month ang September,” sagot sa amin.
Opisyal na ang launching ng ikatlong taon ng Pista ng Pelikulang Pilipino simula Set. 11 hanggang 17 na siyang magiging opisyal na selebrasyon ng Sandaang Taon ng Pelikulang Pilipino.
Bilang flagship program ng FDCP, ang PPP ay isang linggong selebrasyon na eksklusibong magpapalabas ng mga dekalibreng Pinoy movie (iba’t ibang genre) sa lahat ng sinehan sa buong bansa.
Ayon kay Liza, “We are excited to involve the entire nation in the celebration of our One Hundred Years of PH Cinema and what a better way to do it than to engage our audience to support our quality genre films especially made for them. What we are looking for are films which have original narrative and unique storytelling but accessible to a wide audience and we cannot wait to showcase another amazing lineup this September.”
Ang Sandaang Taon ng Pelikulang Pilipino ay kinilala sa pamamagitan ng Presidential Proclamation 622 Series na nilagdaan noong Nobyembre na nagtatalaga sa FDCP bilang lead agency para sa selebrasyong ito.
Ang buong detalye sa mechanics at iba pang impormasyon sa call for entries ay ipapahayag sa lalong madaling panahon.
q q q
Nitong Lunes ay kumalat na ang audio recording ng pag-uusap nina Kris Aquino at Nicko Falcis na pinagpi-piyestahan ngayon ng mga trolls social media.
Matagal na itong sinabi ni Nicko sa kanyang panayam, na binantaan ng dating lady boss ang kanyang buhay kaya hindi siya bumalik agad ng Pilipinas dahil sa takot. Nitong madaling araw ng Martes, Enero 15 ay sinagot ni Kris ang isyu.
Hindi niya itinanggi na siya ang kausap ni Nicko sa nasabing audio recording pero aniya, bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagsasampa ng kaukulang kaso laban sa kanya para sa korte na lang magkaalaman.
Handa rin si Kris sakaling idemanda siya ni Nicko Falcis pero ang ipinagdiinan niya, bakit hindi pa rin masagot ng dating business partner kung nasaan na ang P40 million investment niya na galing sa trustfung nina Joshua at Bimby.
Samantala, sa isa pang Instagram post ni Kris, pinatamaan naman niya ang ilang nakikisawsaw sa issue nila ni Nicko.
Ani Kris, #dontbeasawsawero #dontmakesawsaw…Kalurx kasi yung in much need of a workshop because yung voice acting kulang (at least ako drama queen ang pintas ng trolls and may guessing game na kung kailan papatak ang tears on TV) sorry ha, but last time i saw him face to face when i asked for his resignation which he willingly signed, together with a quit claim & NDA.
“Gusto akong kurutin ni R.A. because i was maldita and said- YOU ARE SO ANNOYING, PLEASE ENROLL IN A WORKSHOP? 2 hours kang trying to cry, until now walang tears! sabay irap & walk out… alam naman nya binubwisit ko lang ang life nya that Sept 27…Diba nga magmula nung Sunday night in April, di na kami nagusap ni brother, sa irita nya with me?
“Honest ako, i’ve seen Noy once in 9 months- in kuya Josh’s hospital room- they were all so worried parating sya & i was still in St Luke’s & the guy who was responsible for the recording knew that. #awkward My 3 meek & mild, simple, super prayerful sisters will do harm? Wag naman bilugin ang utak ng tao. You & i know that was a bluff provoked by anger & fear because of my awful health diagnosis.
“I know i should be repentant pero ang hirap talaga kasi nga magna cum laude sya na inside out ng life ko alam. So i know he knew his level of guilt & my inability to make good on my ‘threat’. Sadly, this has been 1 badly orchestrated demolition job being funded by personalities out for political revenge.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.