KASABAY ng kanilang ika-30th anniversary sa music industry, muling magsasama-sama on stage ang iconic dream pop band na Sugar Hiccup.
Ang kanilang concert tour ngayong Oktubre ay mangyayari sa Manila, Baguio, Cebu, at Singapore.
Ang show sa Manila leg ay produced by GNN Entertainment Productions at The Flying Lugaw.
Ilan lamang sa mga performer guests ay sina Aunt Robert, The Purest Blue, Taken By Cars, at Barbie Almalbis.
Ang magiging partner naman ng banda sa Baguio ay ang Not Very Noise, habang ang John Bottles Events naman sa Cebu.
Ayon sa iconic band, asahan na tatanghalin nila ang ilan sa cult favorites mula sa hit albums nila na “Oracle” at “Womb.”
Baka Bet Mo: Marco Gumabao, Kylie Verzosa hindi pa nagiging magdyowa, mag-ex na agad…anyare?
Ang Sugar Hiccup ay binubuo nina Melody del Mundo (vocals, lead guitars), Czandro Pollack (rhythm guitars), Iman Leonardo (bass), at Mervin Panganiban (drums).
Kamakailan lang ay nagkaroon ng online press conference si Melody kasama ang ilang entertainment press at nabanggit nga niya roon na may mga shows na hindi makakasama ang drummer nila na si Mervin.
“Our first two shows happening in Manila and Singapore, we’re gonna have Mervin Panganiban who’s gonna play drums for us, and then unfortunately there was a conflict with his schedule for our shows in Baguio and Cebu, so we asked Wendell (Garcia) to play drums for us and good thing he said yes,” chika ng bokalista.
Kwento pa niya, “Last minute parang medyo na-rattle kami dahil hindi pala pwede si Mervin and unfortunately hindi niya pwedeng iwan kasi it was part of his commitment, so good thing Wendell Garcia actually committed to it and he studied all the songs.”
“So we’re happy that he’s actually playing for us for those two shows, those two last legs,” aniya pa.
Siyempre, bilang malapit na ang concert ng banda ay naitanong naman ng BANDERA kung ano ang usual na ginagawa ni Melody bago siya tumungtong sa entablado.
“My ritual would be sana, I would not talk for at least an hour. That would be great to condition my voice, but if I could not prevent that, I could just minimize talking,” sambit niya.
Patuloy ng singer, “I do vocalize even hours before the show and I try not to eat heavy at least for hours before the show. Kasi it’s hard for me to sing if my stomach is full.”
Dagdag pa niya, “I would really love to be isolated at least for an hour. But it’s tough to be in that kind of situation, lalo na sa Pilipinas. Siyempre, when you’re backstage you have friends there.”
Para sa mga gustong manood ng kanilang concert, narito ang kanilang schedule:
October 19: 123 Block, Mandala Park, Mandaluyong City
October 20: Cuba Libre, Clark Quay, Singapore
October 25: Canto Bogchi Joint, Baguio City
October 26: TBA, Cebu City
Sa mga hindi aware, ang Sugar Hiccup ang isa sa most iconic bands noong ‘90s.
Ang kanilang debut single na “Oracle” ay nakabenta ng 20,000 copies at nanalo pa ng “Best Alternative Recording” sa Awit Awards, habang ang kanilang banner single na “Five Years” ay nagwagi ng dalawang KATHA awards para sa “Best Alternative Song” at “Best Alternative Performance.”