Dionela dream come true ang ma-meet si Ne-yo, magkaka-collab kaya?

Dionela dream come true ang ma-meet si Ne-yo, magkaka-collab kaya?

PHOTO: Facebook/Dionela

MARAMI ang bumilib at na-inspire sa latest social media post ng OPM singer-songwriter na si Dionela.

Ito ay matapos niyang ibandera ang isa sa mga pangarap niyang natupad –ang ma-meet sa personal ang iniidolo niyang sikat na international musician na si Ne-yo!

Magugunitang bumisita sa Pilipinas ang American singer para sa kanyang concert na naganap noong October 8 to 9 sa Araneta Coliseum sa Quezon City.

Unang ipinost ni Dionela ang ilang pictures nila ni Ne-yo na tila close na close na nag-uusap at nag-fist bump pa.

Ang caption pa riyan ng young singer, “TODAY I RECEIVED A FIRE THAT NO ONE CAN TAKE AWAY. Thank you for the wisdom kuya, NE-YO [rose emoji].”

Baka Bet Mo: EXCLUSIVE: Daniel Paringit super close kay Zack, anong advice sa kanya?

May hiwalay na post din si Dionela na ibinibida ang isang screenshot tatlong taon na ang nakakaraan na kung saan ay nagka-chat pa sila ng superstar.

Mababasa na ang unang nag-message ay ang Pinoy singer na ang sabi: “Neyo, if you notice me. I’ll be a pop star soon. I promise.”

Nag-reply sa kanya noon ang international singer-songwriter at ang sagot naman niya: “Ok that’s dope you reached out.”

Diyan din nabanggit ni Ne-yo na game na game siyang makipag-collaborate kay Dionela.

“I’m down to work with you. Let me know your budget to collab & for promo so we can put something together that makes sense,” lahad niya.

Bukod sa screenshot, makikita ang recent photo nila na nagkita nga after ng concert.

Ang tanging caption diyan ng OPM musician, “WHAT A DREAM.”

Sa comment section, maraming fans at netizens ang napa-wow at natuwa kay Dionela.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“As a singer/songwriter like you, nakakatuwa and nakaka-inspire ka, continue reaching for your dreams brother! Manifesting na maka-collab din kita someday. Mabuhay ang OPM [fire emoji].”

“Manifestations with hardwork pays off talaga. Congratulations, Dionela! [heart hands emoji].”

“I’m really excited to you new song with Ne-yo [smiling face with hearts emoji]. Mabuhay Dionela!”

“Congratulations Dionela [red heart emoji] Collaboration of you and Ne-yo is also my dream. Can’t wait to see both of my idols in one song [fire, happy face with hearts emojis].”

“Wow congratulations kuya Dionela, Can’t Imagine my two idols in one frame! [holding back tears emojis].”

“Grabe! Maniwala ka lang! Soon mangyayari [orange heart emojis] Keep on dreaming and Aim high.”

Read more...