Cristy sa pagtakbo ni Willie sa eleksyon: ‘Wag kang apurahin? Bakit ka pumasok?’

Cristy sa pagtakbo ni Willie sa eleksyon: 'Wag kang apurahin? Bakit ka pumasok?'

Cristy Fermin, Willie Revillame

“ITONG si Willie Revillame papasok sa mundo ng politika ng walang armas hindi mo alam kung ano ang kanyang plataporma kundi ang magpasaya lamang at magbigay ng tulong sa mahihirap sa ating kababayan!”

‘Yan ang komento ni Nanay Cristy Fermin sa programang Cristy Ferminute noong Huwebes, October 10, sa 92.3 Radyo5 True FM.

Lokang-loka ang CFM host na kasama si Romel Chika sa biglaang pag-file ni Willie ng Certificate of Candidacy (CoC) nitong Oktubre 8 sa pagka-senador para sa darating na 2025 midterm elections.

Pagkatapos kasing mag-file ni Willie ay maraming taga-media ang nagtanong sa kanya kung ano ang mga naisip niyang batas na isusulong at kung ano ang plataporma niya.

Nagulat ang lahat sa sagot ng “Will to Win” host dahil huwag daw siyang madaliin dahil kaka-file lang niya ng kanyang certificate of candidacy.

Baka Bet Mo: Willie ayaw daw munang magtrabaho; Cristy sa sulsulerang staff ng TV host: ‘Ikaw na beki ka, ‘yang dila mo putulin mo!’

Ayon sa kasamahan naming nakarinig ay nagkatinginan na lang daw ang lahat sa sinabi ni Willie dahil namumukod tanging siya lang ang kakandidato na tila nanermon pa dahil minamadali siya sa mga plano niya.

Reaksyon ni ‘nay Cristy, “Wag daw siyang apurahin (kung ano ang plataporma). Aba’y susmaryosep ‘wag kang apurahin, e, bakit ka pumasok?”

Laging dahilan ni Willie ay gusto niyang makatulong sa mahihirap, lalo na sa mga matatanda o senior citizens.

“Alam n’yo po mga Kapatid sa totoo lang, most maligned na litanya ni Willie Revillame ang pagtulong sa mga matatanda, walang pambili ng gamot, walang pagkain sa hapag, asan ang batas bakit hindi ka nakahanda? Ano ang plataporma mo? Ano, gusto mo lang naghahalakhakan ang mga Pinoy dahil pinatatawa mo at binibigyan mo ng pera kaya kumakain at may pambili ng gamot?” sabi pa ng CFM host.

Dagdag pa, “Hindi pa man gumugulong ang kampanya marami na siyang kaaway.”

Kaya nasabi ito ni ‘nay Cristy ay dahil masyadong matalas ang dila ni Willie sa pagsasabing ng, “Hindi ko na kailangan ng pera, hindi ako magnanakaw, takot ako sa Diyos!

“Unang-una, sinong tao ang nabubuhay sa mundo ang bluntly makakapagsabi ng ‘hindi ko kailangan ng pera.’  Habang nabubuhay tayo ay mayroon tayong mga pangangailangan at isa diyan ay ang ating pagkakakitaan, pera.

“Pangalawa, hindi ako magnanakaw. Ngayon pa lang hindi pa rumaratsada ang kampanya ang dami na niyang kaaway! Parang sinasabi niya rito na hindi ako magnanakaw. Ano ‘yun, patagilid na sinasabing ang ibang politiko magnanakaw.

“Sabi pa, ‘takot ako sa Diyos.’ Ito ang interpretasyon ng ating mga kababayan, “Bakit mga magnanakaw lang ba ang takot sa Diyos? Dapat pati na rin ‘yung matatalim magsalita at uhaw sa kapangyarihan. ‘Di ba kung ano ang ginagawa natin sa kapwa ay para na rin nating ginagawa sa Diyos?”

May nabanggit pa si Romel Chika sabi raw ni Willie kapag gumawa siya ng batas ay hindi na niya ito idadaan pa ng kongreso at senado kundi diretso na kay Pangulong Bongbong Marcos dahil siya naman ang may last say. Napakarami raw kasing batas na aprubado hindi naman daw lahat nagagamit.

Habang nakikinig kami sa kwentong ito ni Romel Chika ay napapaisip kami, pagod at puyat kaya si Willie dahil parang wala sa sarili ang mga sagot niya.

Anyway, wait na lang namin ang anunsyo ni Willie kung ano ang mga plataporma niya baka naman may maganda siyang suggestion.

Read more...