‘No revenge, I’ll just pray for you’ post ni AJ Raval resbak kay Kylie?

'No revenge, I'll just pray for you' post ni AJ Raval resbak kay Kylie?

Kylie Padilla, AJ Raval at Aljur Abrenica

“BARDAGULAN na yarn!” Iyan ang isa sa naging reaksyon ng netizens patungkol sa “past” and “present” dyowa ng hunk actor na si Aljur Abrenica.

Ang feeling ng mga social media followers ng Vivamax star na si AJ Raval ay rumesbak ito sa umano’y patutsada ni Kylie Padilla sa pagtakbo ni Aljur sa darating na 2025 elections.

May post kasi ang sexy star sa kanyang Instagram account na isang quote mula kay Luthando Xoyana. Base sa IG page ni Luthando sila ay “the #1 Source For All Things Motivational & Christian News!”

Ang nakasaad sa quote ay, “No revenge, I’ll just pray for you and wish the best for you because you’re God’s child too. luthando_xoyana.”

Baka Bet Mo: Willie umamin: Mahirap talagang makipag-compete sa mga noontime show, pinagdaanan ko na lahat iyan

Kasunod nito, nagbahagi rin si AJ ng Bible verse mula sa Proverbs 16:9 na nagsasabing, “If it’s in God’s will, it will happen & nothing will stop it. If it’s not, God has a better plan. Have peace knowing this.”

Itinag pa ni AJ si Aljur sa kanyang post pero habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pang reaksiyon ang aktor.

Base sa mga nabasa naming comments sa social media, mukhang patama raw ni AJ sa estranged wife ni Aljur na si Kylie ang kanyang cryptic post.


Mukhang ito raw ang sagot ni AJ sa cryptic post din ni Kylie last October 7, na may koneksyon sa pagiging “great leader.”

Ipinost ito ng Kapuso actress matapos mag-file si Aljur ng kanyang kandidatura bilang konsehal sa Angeles City, Pampanga.

Narito ang buong post ni Kylie, “A good indicator of a great leader is a man who can lead his family. That is his first unit, his first community.

“A man who raises his kids with good values, integrity and humility. A man loyal to his wife and remains true despite obstacles.

“A man who has a heart close to God. Service is about what you can do for others, not what they can do for you.”

Read more...