Shaira Diaz inoperahan sa appendix: Para siyang skinless longganisa!

Shaira Diaz inoperahan sa appendix: Para siyang skinless longganisa!

Shaira Diaz

NAGPAPAGALING na ngayon ang Kapuso actress at TV host na si Shaira Diaz matapos sumailalim sa operasyon.

Nagkuwento ang girlfriend ng Kapuso actor na si EA Guzman sa pamamagitan ng kanyang Facebook page ng ilan detalye kung ano ang pinagdaanan niya nitong mga nagdaang araw.

Ayon sa isa sa mga host ng GMA morning show na “Unang Hirit”, kinailangan niyang sumailalim sa laparoscopic appendectomy.

Ayon sa isang health website, ang “laparoscopic appendectomy is a minimally invasive surgery to remove the appendix through several small incisions, rather than through one large one. Recovery time from the lap appendectomy is short.”

Pagbabahagi ni Shaira, “Ang normal appendix daw ay kasing nipis ng eyelid, ang nakuha sakin ay triple nang laki niya, parang skinless longganisa. Mabuti na lang talaga at hindi pumutok. Salamat sa Diyos.”

Baka Bet Mo: EA hirap na hirap sa kundisyon ni Shaira…’kasal muna bago sex’

Sey pa ng dalaga, nasa recovery phase na siya ngayon ngunit nakakaramdam pa rin siya ng pain kaya sana’y patuloy daw siyang ipagdasal.

“Important reminder: ALWAYS LISTEN TO YOUR BODY and see a doctor when something feels off. Wag babalewalain,” ang paalala pa ni Shaira.


Makikita naman sa isang Instagram Story ni Shaira na kasama niya sa ospital ang kanyang fiancé na si EA. Ang caption niya rito ay, “I love you, thank you.”

Ni-repost naman ito ng aktor sa kanyang IG Story at nilagyan ng mensaheng, “Aything for you, my love… Hindi ako magsasawang alagaan ka.”

Nauna rito, nag-post din si EA sa IG at kinumpirma ngang inoperahan ang kanyang partner kasabay ng pag-aalay ng dasal para sa dalaga.

“Heavenly Father, I life up my fiancée to you as she prepares for her operation. Please guide the hands of the doctors and nurses, giving them wisdom and skill,” ang bahagi ng dasal ni EA para sa kanyang future wife.

Patuloy pa niyang panalangin, “Grant her peace, strength, and healing. Surround her with your love and protection, and help her recover quickly.

“I place my trust in You and ask for Your grace to be with us during this time. Amen!” ang sabi pa ni EA.

Read more...