Celeste Cortesi nakita ang hinahanap na ‘Mr. Right’ sa bagong Spanish BF

Celeste Cortesi nakita ang hinahanap na 'Mr. Right' sa bagong Spanish BF

Celeste Cortesi, Christian Balic, Vincent del Rosario at Vic del Rosario

GAME na game na sinagot ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi ang tanong ng press tungkol sa estado ng kanyang lovelife ngayon.

Nakachikahan ng BANDERA at ng ilan pang piling members ng entertainment media ang beauty queen-turned-actress kahapon, October 10.

Si Celeste ang latest na celebrity na pumirma ng kontrata sa Viva Artists Agency (VAA) kung saan nakatakda siyang gumawa ng mga pelikula at iba pang exciting projects.

Baka Bet Mo: Celeste Cortesi ayaw nang mag-join sa beauty pageant: ‘It’s not for me’

Sa isang bahagi ng mediacon ay natanong nga ang dalaga tungkol sa lagay ng puso ngayon. Ang nakangiting sagot ni Celeste, “Amazing!”

“I have a new boyfriend. I think everyone knows already,” ang sey pa ng beauty queen na ang tinutukoy ay ang Spanish national na si Christian Balic na ibinandera na niya kamakailan sa Instagram.


Naibahagi rin ni Celeste sa pakikipagchikahan niya sa press ang tungkol sa dati niyang karelasyon – ang football player na si Matthew Custodio.

“I was in a relationship for four years with my ex-boyfriend. Unfortunately, we broke up for certain reasons,” sabi ni Celeste.

Pagpapatuloy pa niya, “I think at that time I wasn’t even looking for someone new. I just wanted to focus on the business, my showbiz career.

“So I wasn’t looking for anyone, really, but someone came along and it changed everything. So now, I am very content and very happy!” aniya pa.

Sundot na tanong sa kanya kung anu-ano ba ang qualities na hinahanap niya sa isang lalaki, “I am very specific. I always say as long as the guy treats you well then everything else is second place.

“And what I really look for is very basic, loyalty and someone that can really take care of me, protect me, 100 percent in everything.

“And I found these qualities in the new person I am with right now,” sey pa ng dalaga.


Nagbigay din siya ng advice sa lahat ng kababaihan, “So, to all the girls out there, as long as the guy treats you well, you’ll be fine with it.”

Samantala, pagkatapos sumali sa 71st Miss Universe noong 2022 at subukan ang acting sa ilang TV projects, handa na si Celeste na palawakin pa ang kanyang showbiz career bilang VAA artist.

Lumaban ang Filipina-Italian beauty queen sa Miss Universe Philippines beauty pageant noong 2022. Siya ang naging pambato ng lungsod ng Pasay at matagumpay niyang naiuwi ang korona
at titulo nito.

Sunod nito, ibinandera niya ang bansa sa Miss Universe 2022 na ginanap sa United States.

Kahit maagang natapos ang kampanya niya sa Miss Universe 2022, gumawa si Celeste ng pangalan para sa sarili niya sa mundo ng showbiz pagkatapos magkaroon ng papel sa huling
episode ng “Darna” (2023) starring Jane de Leon and Janella Salvador.

Mula noon ay nagkaroon pa ng mga proyektong pantelebisyon si Celeste, tulad ng “Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kwento” at “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.”

Bukod sa pagiging aktres, may mata rin sa negosyo si Celeste bilang isa sa mga head ng lip care brand na Azul. Ibinibida ng Asul ang kagandahan at kumpyansa sa sarili sa pamamagitan ng paggamit ng lip balm na may deep hydration mula sa shea butter, natural plumping dahil
mayroon itong peptides, at pang-araw-araw na proteksyon sa mga environmental stressor.

Nag-aral din si Celeste ng real estate management sa Lyceum of Alabang.
May napatunayan nang track record ang Viva sa pag-transition sa mga beauty queens na lumipat sa acting.

Ilan dito ay sina Charlene Gonzales, na ginampanan si Dyesebel, si Anjanette Abayari, na lumipad bilang Darna, at si Dindi Gallardo, na nagbigay buhay sa iba’t ibang karakter ng halu-halong movie genres noong 90’s.

Sa kasalukuyan, minamanage ng VAA sina Katarina Rodriguez, Cindy Miranda, Kylie Verzosa, at Ruffa Gutierrez na beauty queens din na nagkaroon ng matagumpay na karera sa mundo ng acting. Pinapatuyan lang nito na effective ang Viva sa pag-transform ng mga beauty queen sa pagiging magaling na mga aktres.

Bilang bagong artista ng VAA, inihaharap ni Celeste ang kanyang sarili sa mga bagong oportunidad—tulad ng film and TV projects, hosting gigs, at brand deals. Sa susunod na kabanata ng kanyang karera, handa na niyang makuha ang korona ng tagumpay sa showbiz.

Sey ni Celeste, “I am very, very excited to join the Viva family. Actually, I always express my desire of doing movies so I feel like Viva is really the perfect fit for that.

“I always wanted to focus on action genre, to be honest, and I think that here in the Philippines, there’s a niche for that.

“I think Viva is really the perfect agency and mentor for me. If I really have the opportunity to choose, it would be definitely the action genre.

“I’m gonna expecting hopefully a lot of projects. I am very excited to join new workshops so I can also improve my acting skills. Let’s see what’s gonna happen!” dagdag chika ng dalaga.

Read more...