KC pinuri sina Sharon at Gabby bilang magulang; hindi iiwan ang showbiz

KC pinuri sina Sharon at Gabby bilang magulang; hindi iiwan ang showbiz

KC Concepcion, Gabby Concepcion at Sharon Cuneta

“NAPAKA-HAPPY ko na nagtatrabaho sila ulit together!” ang pahayag ni KC Concepcion patungkol sa mga magulang niyang sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Hanggang ngayon ay feeling “kilig” pa rin si KC sa muling pagsasama nina Gabby at Mega sa super successful concert nilang “Dear Heart” na ngayon ay dadalhin na rin sa Amerika at Canada.

Isa raw siya sa milyun-milyong tagahanga ng ShaGab tandem na talaga namang natutuwa sa pagkakaroon ng reunion projects ng dalawang pinakamahahalagang tao sa buhay niya.

Baka Bet Mo: Ruby nangungulila sa mga Dabarkads; may hugot para kina Jose at Wally

“Iba pa rin ang feeling kapag magkasundo ‘yung mga magulang mo. Maganda yung feeling for me. I love my mom and I love my dad. I love my family,” ang pahayag ni KC sa report ng ABS-CBN.


“It is a good example sa buhay ko. Itong parents ko na ‘di na nagsasama pero nakakagawa pa ng magandang bagay sa buhay nila,” aniya pa.

Looking forward na raw siya sa “Dear Heart” tour ng kanyang parents sa US at Canada, “Napaka-happy ko na nagtatrabaho sila ulit together. Napakagandang feeling sa lahat.

“It talks about friendship, forgiveness, ‘di porket naghiwalay ibig sabihin kailangang magkaaway. It is an inspiration for all of us,” ani KC.

Samantala, natanong din ang aktres at singer kung ano ang kanyang sikreto sa pagiging blooming ngayon. Pero sa halip na magbanggit ng pangalan ng lalaki o ng kanyang special someone ay ang half-sister niyang si Samantha ang isinagot niya.

“(Blooming ako) kasi kasama ko sister ko ngayon! Super close kami, lagi ‘to natutulog sa bahay ko,” sey ni KC.

Reaksyon naman ni Samantha, “She’s always looking over me. Always giving the best advice. I love spending time with her. Ever since close na kami.”

Nabanggit din ni KC ang ginagawa niyang pagwo-workout ngayon na nakakatulong sa pag-improve ng kanyang mental health at overall well-being.


“I have been working out everyday. Nag-pilates ako, yoga. I just want to have good energy sa buhay ko,” sey ng dalaga.

Nangako rin si KC na never niyang iiwan o kalilimutan ang pagkanta at pag-aartista. Baka raw very soon ay makagawa uli siya ng pelikula at teleserye.

“Ayokong iwan buhay artista. Siyempre mga fans they are always there. It is always in my heart. Artista for life. For now, online talaga yung world ko.

“Yung vlog ko, yung Youtube ko, the KC diaries. I have been working on my online businesses and I am working on two new things. I am really excited,” pagbabahagi pa ng anak nina Gabby at Mega.

Read more...