Nathalie Hart hiwalay na sa asawang Australian: Saka na ‘yang pag-ibig!

Nathalie Hart hiwalay na sa asawang Australian: Saka na 'yang pag-ibig!

Nathalie Hart at Veronique del Rosario

AMINADO ang aktres at celebrity mom na si Nathalie Hart na kapag super in love siya ay bigla na lang siyang “nawawala at nagtatago.”

Matagal-tagal ding hindi nagparamdam at hindi napanood ang “StarStruck” Avenger sa mga pelikula at teleserye dahil nga mas nag-focus siya sa kanyang personal life.

Sa muling pagharap ni Nathalie sa ilang members ng entertainment media nitong nagdaang October 4, in-explain niya ang pagkawala ng ilang taon sa mundo ng showbiz.

Pumirma na ng kontrata ang aktres Viva Artists Agency kaya naman asahan ang pagiging aktibo uli ng kanyang acting career at pahinga raw muna siya sa pakikipagrelasyon.

Baka Bet Mo: Nathalie Hart wala pang planong magpakasal kahit engaged na: ‘Hindi naman kami nagmamadali, we are taking our time’

Yes, single na single ngayon si Nathalie matapos ang paghihiwalay nila ng asawang Australian na si Brad Robert. Ikinasal sila noong July, 2023 sa isang lugar sa Australia.

“May problema kasi talaga ako, e. Kapag ako ay nai-in love, bigla na lang akong nawawala, nagtatago na lang ako,” ang sey ni Nathalie.


Natanong ang aktres kung bakit hindi niya ibinalita sa publiko ang nangyari sa kanyang married life, “Nakakahiya kasi. I mean, yun naman ang totoo nu’n. It’s not something that you should be talking about and share it to everybody.

“But now, I think, because the paperwork is starting and everything, he’s there and nandito ako, I’ve been here for a couple of months now, so sabi ko, puwede nang pag-usapan.

“Right now, both are moving forward. You know, you just wish them they could find happiness. So parang, puwede na nating pag-usapan,” sey pa niya.

Dagdag pa ng aktres, “Siyempre, nanghinayang, lahat naman ng relationship, nakakapanghinayang kasi hindi nagtagal. Nakakalungkot din.”

“Pero I think, what’s really sad is you stay in a place na hindi naman kayo parehas na masaya. So sa akin, mas gusto ko na kung mas sasaya ako nang mag-isa ako, mag-isa na lang ako,” pag-amin pa niya.

Dahil dito, mas gusto munang mag-focus ni Nathalie sa career at dedma muna sa mga lalaki, “Ready na po ako kung mayroon pang trabaho. Pero kung walang trabaho, e, di wala, ganu’n talaga.

“So now, I’m trying again. I think, I still have a few good years with me, so I like to try again. This year, may movies naman, that’s good kasi three movies naman. Hopefully, I think, with TV, yun talaga ang gusto kong gawin.

“I got all these offers and sabi ko, i-try ko nga. Then, tuluy-tuloy na. I am grateful for Viva that they’re interested in me and they like me. Sabi ko, let’s do it,” sabi pa ni Nathalie na kasama sa cast ng upcoming sexy-drama movie na “Isla Babuyan.”


Pagpapatuloy ni Nathalie, “Siyempre, hindi na rin ako bumabata, I am already in my early 30s, so let’s grab everything I can. Kasi, the roles that I have now, they’re not very sexy anymore.

“But Isla Babuyan, that’s very sexy. I think, that’s the last sexy film I’ve. Now, there’s comedy, there’s thriller. You know, there’s really nothing to show, it’s really the acting piece and character,” dagdag pa niya.

Natatawa pang sey ng aktres, “Sabi ko, trabaho muna ako. Saka na ‘yang pag-ibig, hindi natin kailangan ‘yan.”

In fairness, maituturing namang isa sa magagaling na aktres sa kanyang henerasyon si Nathalie. Sa katunayan, may international award na rin siyang maipagmamalaki.

Sa kanyang pelikula na “Siphayo” ay nakuha niya ang una niyang best actress award sa 2016 International Film Festival Manhattan sa New York City.

Samantala, kasama rin ni Nathalie sa “Isla Babuyan” sina Jameson Blake,  Paolo Gumabao at ang baguhang singer-actress na si Geraldine Jennings.

Isa rin siya sa cast ng “Hibla” kasama sina Ella Cruz and Julian Trono, produced by BluArt Productions, at sa isang international Bollywood film na “Pareidolia”, mula pa rin sa BluArt, kung saan siya ang kaisa-isang Filipina sa cast at isa rin sa mga producer.

Read more...