MARAMI pang pulis na nakabase sa Leyte ang di matunton matapos ang pananalasa ni supertyphoon “Yolanda.”
“May mga nagrereport for duty naman, pero pakaunti-kaunti lang,” sabi ni PNP spokesman Senior Supt. Reuben Theodore Sindac sa Bandera kahapon.
Sa Tacloban City Police Office, 22 alagad ng batas pa lang ang nakapag-uulat, ani Sindac, gamit bilang basehan ang impormasyon mula kay PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima na bumisita sa lungsod.
Sa Eastern Visayas regional police headquarters na nasa Palo, 34 alagad ng batas pa lang ang nakapag-uulat, sabi naman ng isang source sa mga reporter.
Mahigit 900 pulis ang nakatalaga sa regional headquarters, ayon sa source.
“Tuloy pa rin ang accounting, hindi pa ma-kumpleto kasi putol-putol pa rin ang communication,” sabi ni Sindac nang tanungin tungkol sa sitwasyon ng regional headquarters.
“Maaring naroon pa sila sa mga pamilya nila,” sabi naman ng source.
Nag-report din ang isa sa 18 miyembro ng 8th Regional Criminal Investigation and Detection Unit, ngunit ito’y sugatan, ayon sa source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending