Chelsea muling makakalaban sa Miss Universe 2 kandidata sa MUPH

Chelsea muling makakalaban sa Miss Universe 2024 ang 2 kandidata sa MUPH

Ervin Santiago - October 06, 2024 - 08:40 AM

Chelsea muling makakalaban sa Miss Universe 2024 ang 2 kandidata sa MUPH

Victoria Velasquez Vincent, Christina Chalk at Chelsea Manalo

BUKOD kay Chelsea Manalo, may dalawa pang beauty queen na may dugong Pinoy ang lalaban sa inaabangang Miss Universe 2024 pageant.

Iyan ay ang dalawa sa mga nakalaban din ni Chelsea sa Miss Universe Philippines 2024 na sina Christina Chalk at Victoria Velasquez Vincent.

Natalo man sa naturang national pageant, hindi agad isinuko nina Christina at Victoria ang kanilang pangarap na masungkit ang Miss Universe crown.

Baka Bet Mo: Heart Evangelista nagetsing ang atensiyon ni Victoria Beckham: ‘You look incredible! Perfect!’

Dahil sa kanilang pagpupursigi at dedikasyon na makakuha ng international title sa larangan ng beauty pageant, makakalaban nila uli si Chelsea sa 73rd edition ng Miss Universe na magaganap sa November 16, 2024 sa Arena CDMX, Mexico City, Mexico.

Si Christina ang magiging bet ng Great Britain sa Miss Universe ngayong taon habang si Victoria naman ang ilalaban ng New Zealand.

Bukod sa Miss Universe Philippines, apat na beses nang sumali si Christina sa Miss Universe Great Britain, yan ay noong 2016, 2019, 2021at ngayon ngang 2024 kung saan siya ang itinanghal na winner.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by manalochelsea (@manalochelsea)


Naging first runner-up din siya sa 2015 Miss Scotland pageant.

Bago naman magwagi si Victoria sa Miss New Zealand, dalawang beses muna siyang nag-try sa Miss Universe Philippines, yan ay noong 2021 at 2024 kung saan nakaabot lamang siya hanggang sa Top 10.

Noong 2021 naman, siya ang nakapag-uwi ng Miss Universe Philippines-Charity title.

Samantala, bago pa makoronahan si Victoria, ang dapat sanang magre-represent sa New Zealand sa 2024 Miss Universe pageant na may dugong Pinoy din ay ang aktres at dating “PBB” housemate na si Franki Russell.

Ngunit napurnada nga ang pagrampa niya sa naturang international pageant dahil nagkaproblema ang franchise holder nito noon na Yugen Group sa pagsunod sa ilang patakaran ng Miss Universe organization.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Franki naman ang rumampa bilang bet ng New Zealand sa first edition ng Miss Cosmo pageant, kung saan nakalaban naman niya si 2024 Miss Universe Philippines second runner-up Ahtisa Manalo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending