Rocco nakachikahan sina Song Joong Ki, Ji Chang Wook: ‘Close kami?’

Rocco nakachikahan sina Song Joong Ki, Ji Chang Wook: 'Close kami?'

PHOTO: Instagram/@nacinorocco

VERY memorable ang naging pagdalo ng aktor na si Rocco Nacino sa naganap na Busan International Festival (BIFF) sa South Korea.

Dahil bukod sa pagrampa sa red carpet, na-meet at nakachikahan pa niya ang ilang bigating Korean stars!

Ilan lamang sa mga nalapitan at nakunan niya ng selfie ay sina Song Joong Ki, Ji Chang Wook, Park Seo Joon, Kim Si Wan, Yoon Kyung-ho at Jung Jinyoung ng K-Pop boy band na B1A4.

Unang ibinandera ng aktor sa Instagram ang picture nila ni Joong Ki na bumida sa hit Korean series na “Descendants of the Sun.”

Ayon Kay Rocco, nabanggit niya sa Korean actor na may Philippine adaptation ang nasabing serye at tuwang-tuwa naman daw ang huli.

Baka Bet Mo: Song Joong Ki, Katy Louise Saunders may baby na: ‘He’s a healthy son!’

“Pinakita ko rin ang posters namin ni @dongdantes @mercadojenny @jascurtissmith at natuwa siya, which led to a long 5 minute chat about DOTS and the PH. Invite ko daw siya sa Pinas [grinning face with sweat emoji],” kwento ng aktor. 

Sey pa niya, “Paano ko naman gagawin yun [grinning face with sweat emojis] haha”

Pagpupuri pa niya, “I’d have to say, he is the most warm and accommodating actor of all the actors I talked with. Kind person. Deserve niya blessings niya.”

Magugunitang si Rocco ay tumampok sa nasabing adaptation bilang “Master Sergeant Diego Ramos” a.k.a Wolf na originally played by South Korean star Jin Goo.

Kasunod niyan, ibinida rin ng aktor ang pictures niya kasama ang ilang sikat na Korean celebrities na nakilala niya bago mag-umpisa ang pagrampa sa red carpet ng event.

“Met some new friends. Naks close kami?” bungad niya sa IG post.

Chika pa niya, They were all very kind and all started our conversation with a compliment for my @francislibiran8 Barong. Ano daw tawag sa suot ko at paano daw ginawa. Hehe Siyempre binida ko ang paggawa ng barong ng pinas.”

“Met Park Bo Young in the elevator on the way up to the event, di lang nag-e-English pero palabati din,” dagdag pa niya.

Nasa BIFF si Rocco upang i-represent ang pinagbibidahang pelikula ni Brillante Mendoza na pinamagatang “Motherland.”

ilalaban kasi ito sa Jiseok category na inilaan para sa mga established Asian filmmaker na may tatlo o higit pang tampok na pelikula.

Bukod kay Rocco, naroon din ang aktres na si Mylene Dizon para naman sa international premiere ng kanyang Cinemalaya film na “The Hearing.”

Ang Busan International Film Festival ay isa sa pinakamalaking film fest sa Asya.

Para sa taong ito, aabot sa 278 films mula sa 63 countries ang nakatakdang ipalabas sa limang sinehan ng Busan hanggang October 11.

Read more...